Chapter 35

190K 2.6K 419
                                    

Para na akong tanga kakaulit ulit sa sinabi nya. Sinabi ba talaga nya yun? Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nun, pero ang iniisip ko.. sinabi ba talaga nya?

"Ano? Anong sinagot mo sa kanya?" Natigil ako sa pagiisip nang magsalita ulit si Leila.

Tinignan ko lang sya. Ayaw ko na magkwento sa kanya. Pero sa tingin ko, dapat ikwento ko na lahat-lahat. Huminga muna ako ng malalim at inalala ulit ang nangyari.

"H-huh?" Gulat na tanong ko kay Kris sa sinabi nya. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko, dahil wala naman akong gustong sabihin. Sobrang nagulat talaga ako.

Hindi sya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagyakap saakin, nakasiksik parin ang mukha nya sa leeg ko at parang naghihintay sya ng sagot.. Niyakap nya ako hanggang sa magsaktong 12:00 am na.. at hindi ako sumagot.

"Let's go.." Sabi nya at kumalas ng yakap saakin. Naglakad sya at nauna saakin ng ilang hakbang lang. Parang biglang bumalik sa dati. Parang bigla syang tumahimik.. nagagalit ba sya dahil wala akong isinagot sa kanya?

Tahimik lang kaming naglalakad at alam kong pinapakiramdaman nya ako dahil patingin tingin parin sya sa gilid at mabagal ang paglalakad nya.

"Steph.." Tawag nyang bigla. Mula sa panunuod ko sa bawat hakbang ko ay napatingin ako sa malapad nyang likod. Nakasuot ang dalawang kamay nya sa magkabilang bulsa ng suot nyang pantalon.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ano ako para sayo?" Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko ineexpect na tatanungin nya yun bigla. Bakit bigla syang naging random? Err.

"Ahh.. ehh.." Napakamot ako ng ulo ko. Nakaramdam bigla ako ng hiya sa hindi malaman na dahilan. Bakit kasi sya nagtatanong ng ganun bigla bigla? Tsaka ano nga ba sya para sakin?

"Sagutin mo lang." Utos nya. Seryoso lang ang boses nya at hindi naman sya nag susungit.

"Kakilala? hmm, bumili saakin?" Sagot ko.

Ang tanga naman ng sagot ko! Bakit kailangan ko pang ipaalala yun?

Tahimik sya sandali at patuloy sa paglalakad at biglang nagsalita ulit.

"Bukod doon." Bakas sa boses nya ang kagustuhang malaman ang sagot sa tanong nya.

Napaisip naman ako sandali. Wala naman kasi talaga sya para saakin. Sino nga ba sya? Sya lang naman ang kasama ko sa iisang bubong. Isang lalaki na.. nakauna saakin.

"Wala.." Mahinang bulong ko.

Bigla syang tumigil sa paglalakad pero hindi sya humarap saakin. Tumigil din ako at hinintay syang magsalita, kasi alam kong may sasabihin pa sya. Meron. Alam kong meron at gusto kong marinig yun. Hindi ko masabi ang intensyon nya, pero alam kong 'iyon' ang iniisip nya.

Narinig ko syang bumuntong hininga pagkatapos, naglakad ulit. Hindi tulad kanina na mabagal, ngayon matulin na syang maglakad.

Nakarating kami ng bahay na wala ni isang nagsasalita saamin. Parang wala lang nangyari ah.

Sinusundan ko parin sya hanggang sa pagtaas. Malamang lang, pareho lang naman kami ng pupuntahan.

Akala ko, papasok na sya sa kwarto kung saan kami natutulog pero nagtuloy tuloy sya. Huminto naman ako sa kwarto namin at akmang bubuksan yun nang magsalita si Kris.

"Follow me, Stephanie." Sabi nya sa pinakaseryosong boses nya. I hate it when he calls me Stephanie instead of Steph.

Hindi na lang ako umimik at sinundan sya. Huminto kami sa huling kwarto ng second floor. Eto ang kwarto na hindi ko pa napapasukan.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon