Chapter 16

225K 2.5K 240
                                    

"Aray.." Mahinang sambit ko nang mapatid ako sa maliit na bato na nakaharang sa madilim na dinadaanan ko.

Ang totoo nyan ay 10 minutes na ang nakalipas nang iwan ako ni Kris. Bakit ba kasi umaasa akong balikan nya ako? Nakakainis eh. Dapat sinabi nya na agad na ayaw na nya, hindi yung aalis lang sya ng walang pasabi-sabi!

Nilingon ko ang bahay nila Lyn. Tanaw parin 'yon hanggang dito. Hindi parin ako lumalayo kasi umaasa akong matatanaw ko din ang sasakyan ni Kris pabalik.

Bigla na lang nag-init yung mata ko, nagtutubig. Inaantok na ata ako. Bakit ba ang bigat ng nararamdaman ko? Umupo ako sa malaking bato sa gilid na nakalagay sa madilim na sulok. May liwanag parin naman kaso sobrang kaunti na lang.

I sighed. Why is he being like this again? Ayos na naman sya nung nakaraang mga araw ah? Nakakainis ang ugali nya.

Ilang minuto pa ang lumipas, wala talaga. Hindi nya na ako babalikan. Saan ako tutuloy nito? Hindi ako tatanggapin ni Tessa, at nahihiya naman ako kila Leila.

Tumayo ako, maiyak-iyak na naman ako. I look so pathetic right now! Wala pa akong pera! Mabagal at mabibigat na hakbang ang ginawa ko nakayuko lang ako. Bagsak balikat. Wala na namang tao ang nagdadaan, mga sasakyan na lang.

Nagulat ako nang may humintong sasakyan sa tabi ng dinadaanan ko. Huminto ako at tinignan 'yon pero hindi rin naman iyon ang sasakyan ni Kris. Nagtuloy tuloy na ulit ako, bakit ba umaasa pa ako?

"Psst!" Nanigas ako ng may nagpasuwit. Nakakatakot. Mabilis akong naglakad. Bakit ngayon pa nawalan ng mga sasakyan?!

"Pssst!" Lalo ko pang binilisan, iniiwasan kong lumingon o matapilok.

Hindi ko na alam kung saan ako dadaan sa sobrang kaba ko. May dalawang side, Ah! Dito na lang sa kabila, I'm sure madami pang tao dito-- Nawala ako sa pagiisip ko nang may humawak sa braso ko.

"Ahhh! Ano ba?!-- K-King?!" Nagulat talaga ako. Pero mas ayos na din 'to. Kesa naman kabadong kabado ako kanina sa humahabaol saakin-- Teka? Sya ba ang nananakot saakin?!

"Jeez! Ang bilis mong tumakbo. Pinapahirapan mo ang kagwapuhan ko." Hinihingal na sabi nya. Pinatong nya pa ang dalawang kamay nya sa tuhod nya tapos huminga.

"Tinatakot mo ba ako?!" Naiinis na tanong ko.

Bigla naman syang nagulat sa sinabi ko. "Ako? Yung gwapong to? Mukha ba akong nakakatakot?" Tapos umiling iling sya.

Ngumiti lang ako sa kanya, bakit naman kaya sya nandito ngayon? Hmm?

"Bakit ba naandito ka? Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.

"Ha? Hindi ah. Ako? Ikaw?" Tapos ngumisi sya.

"Oh bakit nga nandito ka?" Kasi imposible naman na nagkataon lang na pareho kaming naandito? Ah, sabagay. Baka galing lang din sya sa party ni Lyn.

"Kasi.." Ngumisi sya saakin. "Pinapasundo ka saakin ni Kris."

Ewan ko kung ano nalang bigla yung naramdaman ko. Hindi ko ma-explain. Ako? Pinasundo ni Kris?

"O-Owss?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero ang totoo nyan, gusto ko lang ulit marinig. Gusto ko lang malaman na totong totoo talaga.

"Haha! Yaan mo na 'yun! Nagpapalamig lang yun ng ulo, siguro nainis dun kay Jhaeto?"

Huh?

"Hindi ko alam yung nangyari, pero alam kong nagseselos lang 'yun." Sabi lang nya at pinagbuksan ako ng pinto. Nakasandal pa sya sa pinto at nakangisi saakin.

Sumakay lang ako tapos sumakay na din sya. Nagpatugtog sya ng mahinang music para kahit papaano ay hindi ganun katahimik.

"S-salamat nga pala.." Awkward na sabi ko.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon