DK- 34

3.7K 41 3
                                    

SOMEONE’S POV:

Tiningnan ko siya mula sa malayo. Malaki na talaga siya. Ibang-iba doon sa unang beses na makita ko siya. Napakaliit niya pa noon at walang kalaban-laban.

Agad kong sinarado ang bintana ng kotse ko ng mapalinga siya sa kinalalagyan ko. Nakita niya kaya ako? Wag naman sana.

Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis sa lugar na iyon.

Nakita ko muli siya. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Ito ba? Ito bang tinitingnan niya ay ang katipan niya? Hindi ko maisip kung ano ang lugar nito sa buhay niya.

Marahil siya ay isa sa mga minahal niya noon. Bakas sa mukha niya ang pagkalumo nang makita niya itong may kasamang iba.

Nalulungkot ako para sa kanya. Pag-ibig ay hindi niya man lang matamo. Simpleng pag-ibig na iyon… Higit na simple sa pagkataong ipinagkait sa kanya.

Sinundan ko siya hanggang makauwi na siya sa bahay nila. Dito pala siya nakatira? Mayaman din pala ang nakaampon sa kanya.

Nakita ko ulit ang pinagmamasdan niya noon sa resort. Magkasama na sila sa loob ng isang bahay? Nasangkot ba sila sa isang arranged marriage?

Inikot ko ang sasakyan ko sa isang madilim na alley. May kotseng sumusunod sa’kin. Alam ko. Matagal na. Alam ko nang may sumusunod sa’kin. Nagmamasid sa bawat galaw ko. At alam ko kung sinong nagpadala sa kanya.

Tinigil ko ang sasakyan ‘ko. Wala na kaming magagawa kung maghahabulan lang kami buong gabi. Kinuha ko ang baril ko at itinago ito sa may pantalon ko. Iniwan ko ang kotse ko at nagsimulang lumakad palayo.

“Hoy ! Ikaw ! “

Lumingon ako sa kanya. Nanlaki ang mata niya. Halatang hindi niya alam na ako ang pinapasundan sa kanya. Itinutok niya ang baril niya sa akin.

“Anong sinabi ko tungkol sa pagsunod sa’kin?”

 

“Napagutusan lang po…”

 

“Pakisabi dyan sa amo mo na tigilan na ako. Kung ayaw niyang maipadala ko sa kanya ang ika-isaang daan na bangkay ng alaga niya.”

Humarap na akong tuluyan at ikinasa ang baril.

 

“Ikaw ang sumusunod sa’kin halos dalawang taon na, di ba? Bakit ang duwag mo pa rin? Natatakot ka bang mangyari sa’yo ang nangyari ng mga kasamahan mo? O natatakot kang ang mismong amo mo ang pumatay sa’yo?”

“Hindi ako natatakot sa’yo.” matigas niyang sabi.

 

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Onde histórias criam vida. Descubra agora