DK- 13

6.7K 48 9
                                    

KATH’S POV:

Pagkababa namin ng van, dumiretso na agad ako sa park. Ayokong bumaba sa bahay. Nagpupumilit sumama si Daniel pero ayoko. Ayokong makita ang mukha ni Daniel, ni Carmen o kung sino man. I want to be alone.

Umupo ako sa isang bench dun at humagulgol ng iyak. Bumuhos naman ang ulan. Why? Bakit kailangang mangyari pa ‘to? Bakit sa akin pa dapat mangyari ‘to? Napakaunfair ng buhay…

“Miss?”

Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang payong niya. Inabutan niya ako ng panyo.

“Lubayan mo ako Daniel.”

Inabot pa rin niya ang panyo.

“Sinabi nang lubayan mo ako ! Di mo ba naiintindihan yun?! Layuan mo na ako ! “

Sinuntok suntok ko yung dibdib niya.

“Hirap na hirap na ako Daniel ! Di mo ba nakikita yun?! Mahal kita ! At ang sakit talaga ! Sa t’wing kasama mo si Carmen, parang sinasaksak ang puso ko ! Bakit ba hindi na lang ako Daniel?!“

Napagod ako at niyakap ko siya.

“Daniel, tama na. Nasasaktan na ako.”

At umiyak ako lalo habang nakayakap ako sa kanya.

Nagulat ako nang yakapin niya din ako pabalik. Pinapatahan niya ako.

 

“Wag ka nang umiyak. Sabihin mo lang sa’kin lahat ng sama ng loob mo.”

Bumitaw ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. Tinanggap ko yung panyo niya.

 

“S-Sorry po kung niyakap kita. H-Hindi ko po sinasadya.”

Pinaharap niya ako at inayos ang mukha ko. Akala ko siya si Daniel kanina. Well, he does look like Daniel. Kaso, may salamin lang siya at mas matured ang mukha niya.

“You’ll be alright Miss.” nginitian niya ako. “Yuan.” inabot niya ang kamay niya.

“Ki.”

 

“So, anong problema?”

 

“Nagmahal kasi ako…”

 

“Well, that’s normal Ki. Lahat ng nagmamahal, nasasaktan. Still, dahilan yun para magpakatatag tayo. Dumadating ang sakit para malaman ng Diyos kung gano natin kamahal ang taong yun. My best advice, keep holding on. Makakayanan mo yan.”

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon