EPILOGUE

1.5K 37 14
                                    

EPILOGUE

 

DANIEL’S POV:

Isang taon.

Isang taon na ang lumipas nang huli kong makita si Kathryn. Kinuha nila siya sa akin. Kinuha nila at inilayo. Tandang tanda ko pa ang araw noong ipinaglaban ko si Kath sa mga magulang niya. Sinabi kong hindi nila pwedeng ilayo si Kathryn pero pinagpilitan nila. Nagising na lang ako ng isang araw sa ospital, na wala na yung katawan niyang binabantayan ko. Wala ring iniwang trace ang mga magulang niya.

Niyukom ko na lang ang mga kamao ko sa t’wing naiisip ko ang mapait na alaalang iyon. Ni hindi ko man lang nagawa siyang ipaglaban.

Binuklat ko na lang ulit yung diary ni Kath. Oo, yung diary niya. Ang diary niyang naglalaman ng pinakamalaking sikreto niya.

Ang nararamdaman niya para sa’kin.

Nagtataka ako ngayon kung bakit kalian wala na siya, saka ko nakita ang diary?

Saka kong nalamang mahal niya rin ako?

 

Ang totoo, may diary din ako. At doon ko din nilalagay ang sikreto ko. Parehas na parehas kami. Ang pinagkaiba, sa bawat panimula niya na ‘Dear Kuya’, napapalitan ng ‘Dear Kath’.

 

Para tuloy isang malaking sampal sa mukha ang lahat. Ganun ba talaga ako kamanhid at ang pagmamahal ng taong mahal ko ay hindi ko man lang makita? O sadyang pinipilit kong maging bulag?

Sa t’wing nararamdaman kong masaya kami at ayos, na para bang wala na kaming mahihiling pa, iniisip ko, na normal lang yun. Normal lang na maging masaya kami, protective at sweet sa isa’t-isa dahil magkapatid kami.

Minsan naiisip ko kung ganun na ba ako kasamang tao. At ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko ay ang lubos kong pagmamahal sa kanya. Kasi hindi pwede yung ginagawa ko. At isa nang mabigat na parusa yung kaisipang hindi kami pwede sa huli.

Kaya sinulit ko na ang mga panahon habang kaya ko pang harapin yung kahihinatnan namin. Ako ang naglista ng pangalan niya sa fashion show noon para siya ang maging kapares ko. Ako ang gumawa ng kung ano anong kalokohan at excuses, makasama lang siya.

Inaakala niyo bang cheater ako dahil may Carmen na ako at mahal ko si Kath? Nagkakamali kayo. Ginawa kong girlfriend si Carmen nang may naramdaman akong kakaiba para sa kapatid ko. Hindi ako mandaraya. Kundi isang manggagamit. Pero inaamin ko naman ang kasalanan kong yun sa sarili ko. Nalaman kong niloloko ako ni Carmen pero di ko na sinabi. Wala naman akong karapatang magalit kasi ginamit ko lang siya.  Palabas lang ang lahat. Ang pagiging matamis ko sa kanya, ang pagdedepensa ko sa kanya. Isa lang iyong palabas at hindi ko siya mahal dahil si Kathryn ang mahal ko.

Nang malaman kong di ko siya kapatid, masaya ako. Pero nasaktan din ako dahil hindi ko na siya makakasama ulit. Alam kong ako lang ang makakapagprotekta sa kanya.

Isang taon na ang lumipas nang paulit-ulit kong binabasa ang mga entry niya. Isang taon akong nanghihinayang at isang taon na akong nangungulila.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now