11th Choice- Jacob.

6.8K 53 4
                                    

KATH’S POV:

“Ano ba! Ibalik niyo na yan!” Sabi ko habang sinusubukan kong tumayo.Tinali nila yung kamay ko sa kama!

 

“No Kathryne! Lumayo ka muna sa phone mo. Okay? Radiation!” Sabi sa’kin ni Trisha habang nagpapalas ng kuko niya.

“No! Ayoko! Ibalik niyo na yan!” Hinila ko yung mga kamay ko. Pero sa bawat minuto na sinusubukan ko, umiinit yung tali. Masakit sa balat.

 

“No. Titigil ka dyan o itatapon ko ‘tong cellphone mo?” Kinuha ni Gem yung cellphone ko at binuksan yung trashcan. Pero hinablot naman kaagad ni Hannah.

 

“Pwede rin naman naming itapon sa bintana.” Ihahagis na sana ni Hannah sa bintana nang bigla akong nagtitili.

“Ibalik niyo na kasi!”

 

“Kath, snap out! You need time to take a break. So, stop it. Now.” Maotoridad na sabi sa’kin ni Judiza. Hinawakan ako sa balikat ni Bianca at inalog-alog.

 

“Kath, gumising ka! Di lang kay Daniel umiikot ang mundo mo!”

Napatigil na lang ako at umiyak. Akala ko ba dapat sinusuportahan nila ako? Eh bakit sila pa ang nangdodown sa’kin? Ano bang ginawa ko? Minahal ko lang si Daniel. Yun lang naman ah.

 

“Kath. Di ka naman pinagbabawalan. Pero please, kahit ngayon, alisin mo muna si Daniel. Please?” -JD

Huminga naman ako ng malalim. Napatango na lang ako. Tinanggal niya yung pagkatali ko at inilagay naman ang cellphone ko sa taas nung cabinet na hindi ko maabot-abot.

“Oh ano, tara na? Swimming na tayo?” Mahinahong sambit ni Kaye Ann sa amin.

Napatango na lang kaming lahat at nagtakbuhan na kami sa pool. Tiningnan namin yung malaking slide. Nagakyatan naman kaming lahat at gumawa ng train pababa ng slide. Nagsigawan naman kaming lahat nang dumulas kami pababa ng slide. Lumakas lalo ang sigaw namin nang bumagsak kaming lahat sa pool.

  

“Whoo! Isa pa!” Humirit naman kaagad si Krisna pagkaahon niya.

Parang sa isang minuto, nalimutan ko ang mga problema ko at napalitan lahat ng saya. Dahil kasama ko ang mga kaibigan kong hindi ako iniiwanan kahit anong mangyari.

“C’mon girls! Let’s take a swim!”

Napalinga na lang kami sa babaeng nagsalita. Si Marion. Kasama niya sina Emma, Ley, Megan at si… Carmen! Nalimutan ko nga palang may mga alipores siya.

“What are you doing here?” Tanong naman kaagad ni Micole. Napaahon kami nang wala sa oras.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now