DK- 45

1.7K 45 11
                                    

Maraming salamat po sa mga sumusuporta sa Dear Kuya. Sa mga nagvovote, nagcocomment, nagaadd sa kanilang mga reading list at nagpapalaganap ng story na ito. Sana po ay suportahan niyo rin ang nalalapit na pagtatapos ng librong ito. A few more chapters to go. :)

-----------------------------------------------------------------

DANIEL’S POV:

Nagising na lang ako nang may pumasok nang liwanag sa mga mata ko. Napatingin ako sa buong kwarto. Walang tao. Napakibitbalikat na lang ako at nanatiling nakahiga. Hindi pa siguro nakakabalik si Kath.

Habang nagmumuni-muni ako, bigla namang may kumatok sa pinto. Si Kath na siguro ‘to.

“Pasok.”

Sasalubungin ko na sana ng asar si Kathryn, pero isang nurse ang pumasok.

“Good morning po Sir. Andito na po breakfast niyo.”

Ngumiti naman siya sa akin at saka hinanda yung maliit na table

 

“Bakit mo ako dinadalhan nyan? Di pa ba dumadating yung kapatid ko?”

 

“Yung babae? Kapatid niyo po yun?”

 

“Oo. May problema ba?”

 

“Akala ko po kasi bestfriend niyo. Grabe po kasi kayo makipagkulitan sa kanya.”

 

“Bestfriend ko nga.”

Nagngitian na lang kaming dalawa.

 

“Eh dumating na po siya.”

 

“Talaga? Nasaan na siya?”

 

“Umalis po siya kaagad eh. Iniwan niya po yung bag niyo sa table niyo. Binilinan niya po ako na bantayan po kayo at i-monitor ang meals and medications niyo.”

 

“Ah…”

Walang gana ko namang kinuha yung bag ko. Mayroong papel na nalaglag. Yumuko naman ako para abutin yun.

Daniel,

Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Dumiretso na ako sa US. Last time I checked, maayos naman ako. Wala namang sumusunod. Dala ko yung bigay sa’kin ni Daddy na survival tool. May iniwan akong allowance sa’yo at alam mo na nasa safe mo yun. Tatawagan kita as soon as makababa ako ng airport. Keep safe Daniel. Don’t do anything stupid.

-Kath.

“Umalis siya?” Bulong ko sa sarili ko. “Pero imposible. Hindi ako susuwayin ni Kath.” Napakapit na lang ako sa ulo ko. “Hindi ko pa naman siya masusundan agad.”

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now