DK- 43

1.9K 34 6
                                    

KATH’S POV:

[Kamusta naman kayo ni Jarett dyan?]

“Ok lang naman po Ma.”

[May pagkain pa ba kayo dyan? Pasensya na Isabelle at hindi pa rin makabalik si Manang dyan.]

“Ok lang po Ma. Naiintindihan naman po namin eh. Kaya na din naman po namin ni Daniel. Wag po kayong mag-alala.”

[Buti naman. Isabelle, may ipapakausap sana sa’yo si Mommy.]

“Yes Ma?”

[Makakabili ka pa ba ng ticket papuntang America?]

“America? Bakit Ma? May problema po ba?”

[Actually, yes.]

“Ano yun Ma?”

[Naghahandle kami ng isang napalaking account ng Daddy mo. We need you to convince the investors na kakayanin ng company natin ang investments nila.]

“Ma, di ba kaya naman na ni Daddy yan?”

[Biglang nahimatay ang Daddy mo, Isabelle.]

“Ano po?!”

[Shhh… He’s okay now. Anxiety attack lang daw sabi ng mga doctor. Masyado kasing nag-iisip. Ayan tuloy. Ang inaalala namin, baka mawala yung offer. Sobrang laki ng account na ‘to Isabelle. At kung makukuha natin ‘to, maeelevate ang rank ng company natin.]

“Kailan ba kailangan ang presence ko dyan Ma?”

[Kaya mo ba ng Monday?]

“Pabalik na kami Ma sa school sa Monday. Hindi ko po alam.”

[Please Isabelle. We need you. Wag mo nang isama si Jarett kasi sayang sa pamasahe.]

Napabugtong hininga na lang ako.

“Sige po Ma. Magtitingin na po ako ng ticket.”

[Sige. Bye na Isabelle. Ingat kayo.]

“Sige po Ma. Bye po. Ingat din po kayo.”

Binaba ko na yung tawag. At binuksan yung refrigerator. Asan na ba yung Nutella ko?

“Daniel?! Ikaw ba kumuha nung Nutella ko?!”

Nakinig ako. Nakabalik na kami sa bahay. Pero mga 4 days na lang at may pasok na naman kami.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now