1st Choice- The Fallen.

9.2K 87 16
                                    

THE FALLEN’S POV:

 

“KUYA? Wow!” Lumakad naman siya papunta sa’kin habang nakasalubong yung kilay niya. “Kailan mo pa akong tinatawag ng ganyan?!”

 

“Ayaw mo nun? Ikaw na nga ‘tong nirerespeto tapos ayaw mo pa?” Tumayo na ako at naglakad papunta dun sa bisikleta ko.

 

“Kathryne Isabelle Monrovia, baka nakakalimutan mong magkasingtanda lang tayo. Malinaw naman yun ah?” Pinatong niya yung siko niya dun sa handlebars ng bike ko.

“Oo na. Malinaw na.” Tinulak ko yung siko niya paalis at sumaklat na.

 

“Oh ano? Tara na. Hanapin pa tayo nina Mommy.” Sumakay na rin siya at nagpedal.

 

Sumama na ako sa kanya.

Kathryne Isabelle Monrovia. 16. Ang taong nagmahal sa isang taong di pwede maging akin. Sino? Ang kuya ko. Daniel Jarett Monrovia. Ang lalaking bumubuo sa’kin bilang kapatid. At ang taong dumudurog sa’kin bilang mahal ko.

Ang natatandaan ko, hindi ako lumaki kasama si Daniel. Si Mommy Carol lang ang kasama ko. Tapos nung mga 3 years old na ako, pinakilala niya ako sa kanya. Di ko lang talaga maisip kung pano ako umabot dito. Masaya naman kami ni Daniel eh. Wala naman kaming problema. Lagi naman kaming nagkakasundo. Pero di ko alam kung bakit ko siya minahal ng higit pa sa kapatid. Siguro dahil mas tinuturing ko siya bilang kaibigan at bestfriend kaysa sa isang kapatid. Yun siguro ang bunga ng pagiging malapit ang edad.

Pakiramdam ko tuloy, ang sama kong tao. Baliw nga siguro ako at nagawa ko yun. Pero andito na eh. Wala nang atrasan ‘to. May nararamdaman na ako.

Parehas na kaming pagpedal ng bisikleta pauwi. Sinalubong naman kami nina Mommy Carol, Caroline ang buong pangalan niya at Daddy Benjo, Benjamin naman siya, sa labas ng bahay namin. Nakapatong yung kamay ni Mommy sa dibdib ni Daddy. Habang yung kamay niya ay nakapulupot sa bewang ni Mommy. Nakangiti silang dalawa.

“Mukhang napagod ang mga baby ko ah.” Sinalubong kami ni Mommy at niyakap kaming dalawa.

“Oo nga. Pawis na pawis kayo. Lalo na ‘tong baby girl ko oh!” Hinila ako ni Daddy at hinalikan ako sa noo. “Linisin niyo na muna ang mga katawan niyo at magpalit ng damit. Nang makakain na kayo ng hapunan. Nagluto ako ng adobo.” Adobo? Paborito ko yun! Mukhang madami akong makakain. ~旦_(^O^ )

“Dad, aalis nga po pala kami ni Carmen bukas.” 

Napatahimik naman ako nang papasok na kami ng bahay. Bumagal yung paglakad ko at bumigat yung paghinga ko. Si Carmen… Siya yung girlfriend ni Daniel. Sa totoo lang, ayoko sa kanya. Dahil una sa lahat, girlfriend siya ni Daniel.  ޏ₍ ὸ.ό₎ރ  (ɔˆ ³(ˆ⌣ˆc)  At pangalawa, bully ko siya.  (ノ °益°)ノ彡 (\ .o.)\  Pero hindi yun alam ni Daniel.

“San naman kayo pupunta Daniel?” Usisa ko naman sa kanya.

“Wala ka na dun Kath. Amin na ni Carmen yun.” Kinindatan niya ako at nanlaki naman yung mata ko. “Ops. Wag green.”

“K.” Inirapan ko na lang siya.

Malandi’t kalahati din kasi ‘tong si Daniel. Kaya hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya. Uto-uto na lang ang maniniwala sa kanya. Kabisado ko na ang mga strategy niyang loko na yan. Kaya hindi niya na ako maloloko. Magsasabing pupunta sa ganito ganyan, yun pala, makikipagkita kay Carmen. Oh di ba? Ayo sang tactics! Nakakahighblood!

“Anak, ung sinabi ko sa’yo ha? Di naman dahil sa ayaw kong maging manugang si Carmen. Bata pa kayo.” Sabi ni Mommy habang inaayos yung mga plato.

“Sure Mommy. Trust me.”

 

Inirapan ko lang siya at tumayo na sa upuan.

 

“Ang yabang naman. Kala mo kung sinong martyr na kayang magpigil.”

Napatingin naman silang lahat sa akin. Napatingin naman ako sa kanila.

“Chill lang Kath. Chill lang.” Napatawa naman siya sa’kin. “Eh bakit ba nagagalit ka?”

“Akyat na po ako sa taas.”

 

“Anak ng ipis naman oh! Walk-out queen!”

 

“Tumigil ka na nga dyan! Hampasin kita ng tsinelas dyan eh!” Humarap ako kayna Mommy. “Di na po ako nagugutom.”

Umakyat ako pataas. Hinila ko yung pinto ng kwarto ko at padabog na sinara ito. Dumapa ako dun sa kama ko at kinuha yung notebook ko.

Simple lang naman yung design nung notebook. Kulay itim yung mismong cover niya. Tapos may parang may tattoo design sa gilid. Wala siyang lock. Di ako ganun katakot malaman yung sikreto ko. Maliit ang posibilidad na mabasa siya ng iba dahil katulad din siya nung iba kong mga notebook. Ang kaibahan lang, nakatago ito sa ilalim ng kutson ko sa kama. Minsan naman, nakalagay sa loob ng drawer ko na ginagamitan ng susi para mabuksan.

Kinuha ko yung ballpen ko at nagsimula na magsulat.

Dear Kuya,

Hindi po ako anak ng ipis. Kung anak ako ng ipis, ipis ka na din. Pati na sina Mommy at Daddy. Hala ka! Isusumbong kita. Ang saya ng pamilya natin no? Sana pagdating ng araw, kung posible, magkaroon din tayo ng ganito kasayang pamilya. :)

 

Kung nasaan ako ngayon, ay isang malaking desisyong ginawa ng puso ko. Hindi ng utak o ng katawan ko. Kundi ng puso ko. Mali di ba? Pero puso ko ang nagdesisyon noon. Masakit. Oo, aaminin ko. Dahil walang kapantay yung sakit. Dahil araw araw mong maaalala kung bakit kayo bawal. Araw araw, ihahampas sa mukha mo na mali yung ginawa mo. Pero okay lang sa’kin. Dahil ginusto ko ‘to. Sabi nga nila, ‘Never get something you once wanted.’ At hindi ako nagsisisi.

Hindi lang ito kung ano-anong notebook. Pero hindi ‘to diary. Uulitin ko, hindi ito diary. Hindi naman ako araw araw nagsusulat dito. Madalas lang. Mga anim na araw sa isang linggo ang pinakamadalas. Pag nalilimutan kong dalhin, eh di hindi ko nasusulatan. Ang nilalaman pati nito ay hindi mga events. Puro ‘Daniel’ lang ang laman nito. Mga kung ano-anong doodles, drawings, pero mas madalas ang mga sulat para sa kanya. Mga sulat, na kahit kalian ay hindi makakarating sa kanya.

Mas gusto ko na ganito lang kami. Magkapatid. One sided love. Dahil hindi komplikado ang lahat.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now