DK- 23

6.4K 52 4
                                    

KATH’S POV:

 

“Okay, now you may choose your students.”

Naglakad lakad naman ako sa library para makahanap ng pwedeng tutoran. Nagpatawag kasi ang Math committee na maglalaunch daw ng Tutorial para sa mga estudyanteng hindi gaano magaling sa Math. At ang first 3 sections ang magtututor. Yung mga kaklase ko, kanya kanya nang hanap. Yung mga baliw ko namang mga kaibigan, karamihan ay gwapo ang hinahanap. Hahaha. Ako naman? Eto, naghahanap ng babaeng pwedeng turuan. Bakit hindi lalaki? Simple lang. Ayoko.

“Uh, excuse me?”

Nilapitan ko naman ang isang babaeng nagbabasa ng libro.

 

“Yes?”

 

“Kasama ka ba sa Tutorial?”

 

“Ah, yes. Pero…” kinapitan niya ulit ang libro niya. “Wala atang gustong magtutor sa’kin eh.”

 

“No, no.” humila agad ako ng upuan. “Hi, I’m Ki. Ako ang magtutor sa’yo. Ok lang ba?”

 

“Talaga?! Thanks ! ” sinarado na niya ang libro niya. “I’m Brigette (agentgandeey).”

 

 “Oh, okay. I like your name.” nginitian ko naman siya. “So, let’s start?”

Tumango naman siya.

Nagsimula ko na siyang turuan. I feel sorry for myself. Feeling ko ang terrible kong magturo. But I must say, nakakakuha naman si Brigette. Actually, magaling nga siya. Siguro hindi lang nabibigyan ng masyadong time kaya hindi napapaimprove ang skills niya sa Math.

“Tapos ka na magsolve?”

 

“Yup.”

Pinakita niya sa’kin ang papel niya. Chineck ko naman.

 

“Wow. Tama ang pagsolve at sagot mo. You’re improving.” ngiti kong sabi sa kanya.

“Talaga? Yes ! Thank you.” ngiti niya ring sagot.

“Tara, kain tayo.” alok ko sa kanya.

 

“Wala ka na po bang ibang gagawin?”

 

“Well, meron pa. Pero, magagawa ko rin yun mamaya. So, ano, tara?”

Ngumiti lang siya at sumama na sa akin.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ