Chapter 45

100K 1.2K 9
                                    

Chapter 45

Thank you for waiting! I know this is quite short but I'll try to make another update soon! Lols. But I really appreciate all of your comments. Thank you!

Let's all be happy! =)

And I want to remind everyone that I'm not good with medical terms and such. Forgive me. Lols. =)

***

Lahat ay nag-alala ng mahimatay si Brianna buti na lang pagkaraan ng tatlong minuto ay nagising agad ito. Dadalhin na sana ni Kenjie ang asawa sa ospital pero nagising na ito. Inalalayan nya itong umupo.

"How are you feeling? May masakit ba sa'yo? Dadalhin na kita sa ospital." nag-aalalang sabi ni Kenjie. Hinawakan sya ng asawa sa braso.

"Okay lang ako, nahilo lang ako kanina." sagot ni Iya.

"Apo, ayos ka na bang talaga? mas mainam na matignan ka sa ospital." Tumingin si Iya sa kanyang lolo at ngumiti.

"Ayos na po ako 'Lo, sa sobrang init lang po ito siguro."

"I'll take you to the hospital to make sure." sabi ni Kenjie.

"Mabuti pa nga apo." sabi ng lola ni Iya.

"P-Pero okay na talaga ako." sabi ni Iya.

"Don't be stubborn babe." seryosong sabi nito saka tumayo at inalalayan ang asawa. Walang nagawa si Brianna kundi ang sumunod kay Kenjie. Umuwi lang muna sila sa bahay para magpalit ng damit at kumain muna si Iya dahil nagugutom ito. Halos dalawang oras din ang pagbyahe nila papunta sa pinakamalapit na ospital. Pagdating nila ng ospital ay kinailangan pa nilang pumila dahil medyo marami ang nagpapatingin din.

"Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ni Kenjie habang hawak ang isang kamay ni Iya. Nakaupo sila sa waiting area.

"Hindi na. Sabi ko naman kasi sa'yo dahil lang ito sa init ng panahon." sagot nito.

"Kahit na, kung hindi ko naagapan ang pagbagsak mo baka napasama ka pa. Dapat sinabi mo na nahihilo ka para bumalik tayo ng bahay agad." sermon ni Kenjie. Tinignan nya ang asawa.

"Sorry na. Sa susunod magsasabi na ako, bigla lang din naman ako nahilo baka dahil din sa mahaba natin byahe."

"That's why we're here..to make sure that you're okay. Then I'll ask my secretary to book us a flight, mag-eroplano na lang tayo pabalik, ipapahatid ko na lang yung kotse sa Manila."

"Pero--"

"Don't argue. I won't allow the same thing happen again, okay?" he slightly squeezed her hand and kissed the back of it. She just nodded.

"You scared me there." pagtatapat ni Kenjie. Napatingin naman si Iya sa asawa.

"Kung hindi ka lang nagising agad ay isinugod na kita sa ospital. Hindi ko akalain na mararamdaman ko na naman yung ganun na kaba magmula nung nangyari yung kay Jasper." Humilig si Brianna sa balikat ng asawa saka nagsalita.

"I'm really sorry for making you worried."

"You really make me feel a lot of things." he smiled and kissed her head.

"At least hindi ka ma-bo-bore habang magkasama tayo." biro nito.

"Yeah, right." he answered. Medyo matagal din silang naghintay bago natawag ang pangalan ni Brianna. Si Iya lang ang pinayagan na pumasok sa loob ng check-up room kaya naghintay na lang si Kenjie sa labas. Kenjie's thinking of extending their stay in the province because of what happened to Iya. Naisip nyang mas okay siguro kung makapagpahinga pa ng matagal muna ang asawa bago sila bumyahe ulit at para na rin mas makapag-bonding pa sila ng lolo at lola nya. Pero sa dami ng mga kailangan nyang gawin sa opisina ay baka maging imposible iyon at di kaya ay mauna na lang sya bumalik ng Manila kung papayag ang asawa. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay lumabas na rin si Brianna bitbit ang reseta ng doktor at mga gamot na kailangan nitong inumin. He saw a "Folic acid" on the bottle that's she's holding. Napakunot sya ng noo.

"Anong sabi ng doktor?" tanong ni Kenjie. Hindi nakasagot agad si Brianna. She can't even look at him in eyes.

"Iya." tawag ni Kenjie saka hinawakan ito sa braso.

"I--I'm pregnant,Ken." she said in a very low voice but still audible. Walang narinig na salita si Iya galing sa asawa ng ilang segundo. He's just looking at her. Naginit ang mga mata ni Iya. She doesn't know what to do. This is not part of their plan. Especially not his plan. All of a sudden, everything has changed. She's not ready yet for a child..nor him and she's afraid that he'll not accept them on his life.

"Are you sure?" tanong ni Kenjie pagkaraan ng katahimikan. Tumango si Iya. She heard him sighed.

After that tahimik silang lumabas ng ospital. Tahimik lang si Kenjie habang nag-da-drive pauwi. Kinakabahan si Brianna at hindi alam ang gagawin o sasabihin sa asawa. Sinisisi ni Iya ang sarili dahil hindi sya nag-ingat. Pakiramdam nya ngayon na yata matatapos ang kung ano man ang meron sa kanila ni Kenjie. Muling nag-init ang kanyang mga mata at nagbabadya ang kanyang mga luha. She did her best not to cry.. not when Kenjie's around. Hanggang makarating sila ng bahay ay walang narinig si Iya na kahit isang salita sa asawa.

"I'm sorry Kenjie." ang sabi ni Brianna bago bumaba si Kenjie ng kotse.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

     

His uncontrollable sensual desireWhere stories live. Discover now