Chapter 16

120K 1.4K 12
                                    

Chapter 16

Nakakapanibago na makita si Kenjie na ganito, tahimik lang at madalang ngumiti. Kung ngumiti man sya ay parang pilit lang at makikita pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan. Naiintindihan ko naman ang pinagdaraanan nya, namatayan sya ng isang matalik na kaibigan. Parang nung minsan lang nagpasama pa sya bumili ng regalo para sa kasal ni Jasper pero ngayon pagkalipas ng ilang buwan ay nabalitaan na lang ni Kenjie na naaksidente ito at namatay. Ilang buwan na rin naman simula ng magkita ulit kame ni Kenjie at tinulungan nya ako, at sa loob ng ilang buwan na yun ay naging magkaibigan na rin kame yun nga lang medyo "kakaiba" ang pagkakaibigan namin. Naikwento na rin ni Kenjie sa akin ang mga matalik nyang kaibigan, si Chris na lagi nyang kasama sa inuman at pag-ba-bar, si Ize na kasama nya rin sa iba nyang business at si Jasper na kasama nya rin uminom. Base sa kwento ni Kenjie ay maloko din daw si Jasper at nitong huli nga ay nagkaroon pa ito ng alitan kay Ize dahil sa babae hanggang sa naungkat ang nakaraan at ngayon lang nalaman ni Kenjie ang tunay na nangyari dati. Nagalit man si Kenjie sa ginawa ni Jasper ay mas pinili nya na intindihin ang kaibigan at huwag pumanig sa kung sino sa dalawa, hinayaan nya na mag-ayos sila Ize at Jasper.

Hindi naman akalain ni Kenjie na ganito ang mangyayari kay Jasper, akala kasi nya tuluyan ng makakapagbagong buhay ang kaibigan pero bigla naman itong namatay at hindi na nagisnan ang anak. Isang linggo na rin simula ng nilibing si Jasper at si Kenjie naman ay isang linggo na rin na tahimik at laging subsob sa trabaho, kung dati ay sakto itong umalis ng opisina ngayon ay halos mag-mamadaling araw na ito umuuwi galing ng trabaho. Hindi ko rin naman alam kung paano ang gagawin ko kay Kenjie dahil kahit ang mommy nya ay nag-aalala na rin at pinuntahan pa ito sa opisina. Sinubukan ko na kausapin sya pero ang sabi nya lang ay okay lang daw sya.

"Hello?" nagulat si Iya ng biglang tumawag sa kanya si Kenjie, nakauwi na sya galing ng opisina. Sakto naman ang pagtawag nito dahil nagaalala na rin sya dito.

"Iya..." mahinang sabi ni Kenjie saka bumuntong hininga. Naririnig ni Brianna ang ingay sa paligid ni Kenjie, mukhang nasa bar ito.

"Ayos ka lang ba Kenjie?" nagaalala nyang sabi.

"Can you come here, please?" she can sense something from his voice.

"Okay, i-text mo na lang sa akin kung saan na lugar ka, pupuntahan kita dyan."

"Thank you." and he ended the call. Nagmadali si Brianna na puntahan si Kenjie sa lugar na tinext nito. Nasa isang bar pala ito at nakita nyang mag-isa itong umiinom sa isang table. Nakita nya rin kung paano ito tumanggi sa mga babaeng lumalapit dito.

"Ken." tawag ni Iya sa binata saka ito tumabi sa kinauupuan nito.

"Hey, babe." sabi ni Kenjie na halatang lasing na at mapungay na ang mga mata nito. Marami na rin bote ng alak na walang laman sa mesa nito.

"Lasing ka na, umuwi na tayo." pagaayaya ni Brianna sa binata.

"I'm fine, saka hindi pa ako lasing." saka nito ininom ang alak sa shot glass.

"Thank you for coming here, Iya. Tang*na kasi yung mga kaibigan ko mga hindi ko mahagilap, hindi ko naman pwedeng ayain si Jazz kasi mahimbing na tulog nun sa sementeryo." sabay tawa ng pagak. Ramdam ni Brianna ang kalungkutan ni Kenjie.

"Tang*na talaga kulang na yung barkada namin, akalain mong mamamatay agad si Jasper eh masamang damo yun." sabay inom ulit ng alak.

"Kenjie..." she wanted to stop him from drinking to death. Napatingin si Kenjie sa kanya.

"Come on, Let's dance babe!" sabay hawak nito sa kamay ng dalaga at inaya ito sa gitna ng dance floor. Maraming taong sumasayaw, karamihan ay mga may tama na rin ng alak. Pumwesto si Kenjie sa likuran nya at hinapit sya sa katawan nito saka sumayaw. Amoy ni Iya ang alak kay Kenjie at alam nyang lasing na talaga ito dahil tila wala itong pakialam kung meron man makakita sa kanilang dalawa. Patuloy sa pagsayaw si Kenjie habang hinahalikan sya ng mumunti sa batok nito hanggang sa leeg, ang kamay naman nito ay humahaplos sa kanyang bewang papunta sa ibabaw ng kanyang tyan. Hindi ito nakuntento ay pinaharap sya nito saka hinalikan sa mga labi. His kiss was different, it was rough and forceful.

"K-Ken---" he stops her from talking and kissed her more. He touches her right bre-east and that's the time that she pushed him.

"Ano ba?!" naiinis na sabi ni Brianna, nagaalala kasi syang baka may makakita sa kanila na kakilala.

"You can't say no to me, babe." he said in a stern voice and dragged her away from the dance floor.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

A/N: Thank you for patiently waiting for my update. =) Love you!

His uncontrollable sensual desireWhere stories live. Discover now