Chapter 43

104K 1.1K 20
                                    

Chapter 43

Sa bawat araw na dumadaan napansin ni Brianna na mas nagiging sweet si Kenjie sa kanya. It was like he's really portraying the role of a good husband and she loves it. She loves how he wakes her up every morning with his sweet kiss. She loves how he prepare their breakfast everytime he used all her energy on the bed. She loves how he's being possessive of her when he notice other guys looking at her. She loves how he check her up every day if she's okay or if she already ate her lunch. She loves how they cuddle every night. She loves how cute he is everytime he tells her that how he miss her. Bawat araw mas lalo syang nalululong sa tabi ng asawa. And everyday she hopes that it'll never end.. that soon he'll tell her to never end this.. to make this for real. She loves him and she wanted to prove to the world that forever fits them.

"Hey babe, ready for our vacation trip?" he asked. Nakahanda ng lahat ng mga gamit nila at nakalagay ng lahat sa kotse. They'll go to Leyte and visit her grandparents. They're on a vacation trip for one week and Melissa never failed to remind them to make them a grandparents soon.

"Yep. Tara na?" sagot ni Brianna.

"Let's go." Ngayon na lang ulit uuwi si Brianna ng probinsya pagkatapos ng sampung taon. Nasabi na rin ng kanyang nanay na nag-asawa na sya at bibisita sila sa probinsya. Miss na miss na rin nya ang kanyang lolo at lola at excited din syang makita ang mga ito. Excited na rin si Kenjie dahil gusto na nyang ma-meet ang iba pang kamag-anak ni Iya lalo na ang lolo at lola nito. Since only child si Kenjie at wala na syang grandparents na kinagisnan ay excited syang magkaroon at ma-meet ang grandparents ni Iya. They've decided that instead of taking a plane they'll travel by land and they'll ride a boat going to Leyte. Matagal na rin na hindi nakakasakay si Brianna ng barko at sa pagkakaalala nya ay sumuka sya ng sumakay sya ng barko, maliit pa sya nun kaya sana naman na ngayon na malaki na sya ay hindi na sya mahilo at masuka. Si Kenjie naman ay first time sasakay ng Roro, usually kasi cruise ships ang nasasakyan nya. Halos mag-dadalawang araw din ang byahe nila bago nakarating ng pier papuntang Leyte. Umaga na ng makarating sila sa pier at medyo mahaba ang pila. Parang biglang nakaramdam si Brianna ng pagkahilo ng maamoy ang dagat pero hindi nya ito pinansin. Nag-almusal muna sila ni Kenjie bago sumakay. Saktong Bumuhos naman ang malakas na ulan pagkasampa nila ng barko. Nanlamig si Brianna at ramdam nya ang alon habang nakaupo.

"Are you okay, babe?" tumango si Iya at pilit ngumiti.

"O-Oo, okay lang ako." sagot nito at ipinikit na lang ang mga mata at sumandal sa balikat ng asawa. Inalo naman sya ni Kenjie at sinuotan ng jacket. Pagkaraan ng isang oras ay hindi na mapigilan ni Iya ang pumunta ng banyo.

"Samahan kita."

"Hindi na. Ayos lang, dyan lang naman yung cr." sabi ni Iya saka umalis sa upuan. Medyo mahaba ang pila sa banyo ng mga babae at nahihilo na talaga sya. Pakiramdam nya konti na susuka na sya, malakas pa rin ang buhos ng ulan. Ng makapasok sya ng banyo ay wala naman syang na-isuka at minadali nya na lang ang sarili dahil may naghihintay pa sa pila sa labas. Bumalik sya sa upuan nila ni Kenjie at pumikit na lang ulit sa balikat ng asawa.

"Babe, ayos ka lang ba talaga? nahihilo ka?" nagaalalang tanong ni Kenjie.

"Medyo nahihilo pero ayos lang ako. Itutulog ko na lang." sagot nito.

"Kung alam ko lang na hindi ka kumportable sa ganito nag-plane na lang sana tayo." and he holds her hand.

"I'm okay. Naninibago lang siguro ako." sagot ni Iya at pinilit na lang na matulog. Pagkatapos ng ilang oras na byahe sa dagat ay nakababa din sila ng barko at tumigil na rin ang ulan. Napatakbo naman si Iya sa banyo at halos isuka lahat ng laman ng kanyang tyan. Paglabas nya ng banyo ay nagulat syang naghihintay doon si Kenjie.

"I'm sorry babe." he said and holds her hand. He moves her closer to him and cupped her face.

"Bakit ka ba nag-so-sorry?" nagtatakang tanong ni Brianna.

"Sorry kasi nahilo at nagsuka dahil sa pagsakay natin sa barko." bigla syang napangiti sa sinabi ng asawa.

"Hindi mo naman kasalanan yun, hindi lang talaga ako sanay mag-barko." sagot nito.

"Dapat talaga nag-plane na lang tayo." he said.

"Mas okay na ito, mas tipid." she assured him.

"Hindi mo kailangan mag-tipid, you can spend millions for anything you want wife." seryosong sabi nito.

"Ang seryoso mo mister. Okay nga lang ako. Tara na, siguradong naghihintay na sa atin sila lola." saka kinuha ang kamay ng asawa at sabay na naglakad patungo sa kotse.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you! 

His uncontrollable sensual desireWhere stories live. Discover now