Chapter 44

103K 1.3K 68
                                    

Chapter 44

Mainit ang naging pagtanggap ng Lolo at Lola ni Iya kay Kenjie. They even can't believe na mayaman pala ang napangasawa ng apo nila. At dahil ngayon na lang ulit nakadalaw si Iya sa kanila ay pinaghandaan sila ng mga ito ng napakaraming pagkain. Natuwa naman si Kenjie sa mainit na pagtanggap ng pamilya ni Iya sa kanya. Nagustuhan din nito lahat ng pagkain na nakahanda.

"Thank you po sa mainit na pagtanggap sa akin Lolo." sabi ni Kenjie na halatang masaya dahil ngayon ay may matatawag na syang lolo at lola.

"Walang anuman apo, masaya ako at nakadalaw kayo dito ni Iya. Matagal na namin hindi nakikita ang bata na ito." sagot ng matanda.

"Huwag po kayo mag-alala bibisitahin po namin ulit kayo at isasama na namin sila tatay." sagot ni Kenjie na kinatuwa naman ng dalawang matanda.

"Naku! sabik na rin akong makita ang iba pang kapatid ng apo ko, maliliit pa sila ng huli kong makita." sabi ng lola ni Brianna.

"Oo nga po. Eto na nga po sila ngayon." at pinakita sa matanda ang mga picture ng kapatid sa cellphone.

"Ang tatangkad at ang gagwapo ng mga apo ko." natutuwa at maluha-luhang sabi ng matanda. Niyakap ni Brianna ang lola.

"Sa sunod na pagbisita namin dito Lola, kasama na namin sila." she assured her. Nagpatuloy sila sa pagkain pagkatapos ay tumulong si Brianna sa paghuhugas ng pinggan samantalang si Kenjie naman ay nakikipag kwentuhan sa kanyang lolo. Maaga silang naghapunan dahil iyon ang nakagawian sa probinsya kaya maaga rin silang nagpahinga. Ng maupo si Brianna sa papag ay saka lang nito naramdaman ang pagod at medyo hilo pa rin dahil sa byahe.

"You okay?" tanong ni Kenjie ng umupo ito sa tabi nya. Tumango naman si Iya.

"Okay lang. Napagod lang ako sa byahe." sagot nito.

"Buti pa magpahinga na tayo." sabi ni Kenjie saka binigyan ng mabilis na halik ang asawa sa labi. Tahimik na ang buong paligid at kuliglig na lang ang kanilang naririnig.

"Iba talaga ang buhay probinsya." he said and moved her closer to him. He cuddled her, resting her head on his chest. She can smell the bath soap on his body.

"Ang bango mo Ken." sabi ni Brianna na kinangisi naman ng asawa.

"Come on,wife. You need to rest so don't seduce me." he said in a low voice. Natawa naman si Brianna.

"Ano seduce? hindi kaya. Sinabi ko lang naman na ang bango mo." sagot naman ni Brianna.

"Oo na..Oo na. Matulog na tayo. Good night,babe." and kissed her on the forehead. Nakatulog agad ang mag-asawa dahil sa pagod. Pagkasikat pa lang ng araw ay nagising na rin sila Kenjie at naghanda ng agahan para sa dalawang matanda.

"Apo, dapat ako na ang gumawa nyan..bisita ka namin." sabi ng lola kay Kenjie.

"Okay lang po Lola, masaya po akong lutuan kayo ng agahan. Upo na po kayo." saka nilagay ang bagong timplang gatas sa mesa. Umupo na ang dalawang matanda at kumain na sila ng sabay-sabay ng agahan. Halata sa mukha ng Lolo at Lola ni Brianna ang saya dahil sa pagbisita nila dito. Halos ipamalita ng mga ito sa lahat ng kakilala si Kenjie. Dinala rin sila sa palayan at nakihalubilo sa mga magsasaka. Sa may kubo sa sakahan na rin sila nananghalian kasama ang magsasaka. Medyo mainit pero masaya naman si Kenjie na nakisalo sa tanghalian habang nakakamay din.

"Napaka gwapo naman nitong naging asawa ng apo, Tunying." sabi ng isang magsasaka.

"Aba'y syempre naman, maganda rin naman itong apo ko. Bagay na bagay sila." proud na sabi ng lolo ni Iya. Napangiti naman silang mag-asawa.

"Ka swerte naman at paniguradong magiging gwapo at maganda rin ang mga magiging apo mo sa tuhod."

"Panigurado yan." dagdag pa ng isa. Hindi naman alam ng dalawa ang sasabihin kaya inabala na lang nila ang mga sarili sa pagkain.

"Nasubukan mo na bang umakyat ng puno ng buko,Ken?" tanong ng isang magsasaka.

"Hindi pa po but I want to try. It sounds cool." sagot ni Kenjie.

"K-Ken.. baka mahulog ka, wag na lang." nagaalalang sabi ni Iya.

"Apo, kaya yan ng asawa mo." sagot naman ng lolo ni Brianna.

"Tama si Lolo. I'm gonna be okay babe." and he winked at her.

"Pero---"

"Don't fret." he said then stands up, following the farmer who'll teach him how to climb a tree. Nagaalala at kinakabahan naman si Brianna para sa asawa. Laking Maynila si Ken at hindi ito sanay sa mga gawain probinsya lalo na ang pag-akyat ng puno. Parang biglang nanlamig ang kanyang tyan at kamay ng makita nyang naghahanda na si Kenjie sa pag-akyat sa puno.

"Hinay-hinay lang sa pag-akyat apo. Mag-ingat ka." sabi ng lola ni Brianna kay Kenjie. Halos hindi naman makatingin si Iya ng magsimula ng umakyat si Kenjie ng puno. Ang mga tao naman sa paligid nila ay tuwang-tuwa dahil nagawa ni Kenjie na makaakyat agad ng puno ng buko. Naging mabilis ang pag-akyat ni Kenjie at nangalahati agad nito ang puno ng bigla itong madulas. Halos hindi nakahinga si Brianna sa nangyari at napatili. Nakakapit naman agad si Kenjie at nagpatuloy sa pag-akyat ng puno hanggang maabot ang tuktok at makakuha ng buko. Tuwang-tuwa si Kenjie ng magawa nyang makakuha ng buko at nakababa ng puno ng ligtas. Nilapitan nya agad ang asawa.

"Babe----" hindi na nagawang matapos ni Kenjie ang sasabihin ng bigla na lang himatayin si Iya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you!

Comments! Comments! Comments! Lols. =)

His uncontrollable sensual desireWhere stories live. Discover now