Chapter 25

107K 1.3K 16
                                    

Chapter 25

Bago sumikat ang araw ay bumalik na sa sarili nyang kwarto si Kenjie at iniwan ang mahimbing na natutulog na si Brianna. Okay lang naman kay Kenjie na makita ng Mommy nya na sa kwarto ni Brianna sya natulog pero syempre iniisip nya si Brianna at paniguradong mahihiya na naman yun at maiilang sa mommy nya pag nakita silang sa iisang kwarto lang natulog. Bago mag-alas sais ay nagising na si Brianna at mabilis na nag-almusal kasama si Kenjie at ang mommy nito. Bago umalis ng bahay ay nakatanggap ng tawag si Kenjie galing sa sekretarya nito at sinabing may emergency meeting sya at kailangan na nasa opisina sya bago mag-alas syete ng umaga.

"Anak, ako na lang ang maghahatid kay Iya sa bahay nila para maka-diretso ka na sa opisina at umabot sa meeting nyo." suhestyon ng mommy nito. Napatingin naman si Kenjie sa nobya.

"Ayos lang ba sa'yo si Mom na lang ang magahahatid sa'yo pauwi?" tumango naman si Iya upang pag-sang ayon.

"Oo naman." sagot nito. Tumuloy na sa opisina si Kenjie. Si Melissa naman ay excited na makilala ang pamilya ni Brianna.

"Ah tita, sa squatters area lang po kami nakatira ng pamilya ko, pasensya na po." mahinang sabi nito sa ina ni Kenjie.

"Hija, walang kaso sa akin yun. Hindi naman batayan ng pagkatao kung sa exclusive subdivision ka nakatira o hindi. Excited na ako ma-meet ang parents mo." masayang sabi nito. Napangiti naman si Iya at nawala ang pagaalinlangan sa puso. Ng makarating sila sa bahay ay sinalubong agad sya ng nanay nito.

"Nay, may bisita po tayo." sabi ni Brianna sa ina. Bigla naman nahiya ang nanay nito ng makita ang mommy ni Kenjie.

"Naku Ma'am, nakakahiya naman po. Tuloy po kayo sa maliit namin tahanan. Pasensya na." nahihiyang sabi nito. Nakangiti naman na niyakap ni Melissa ang nanay ni Iya.

"Okay lang yan balae, masaya akong makita ka at ang pamilya nyo. Ako nga pala ang Mommy ni Kenjie, yung boyfriend ni Iya." medyo nagulat naman ang ina ni Iya sa sinabi ni Melissa. Hindi pa kasi napapaalam ni Brianna sa mga magulang na sila na ni Kenjie.

"Ah--Tita, upo po muna kayo, maghahanda lang po ako ng makakain nyo." magalang nasabi ni Iya saka dumiretso sa kusina. Magiliw na nakipagkwentuhan si Melissa sa mga magulang ni Iya habang kumakain sa hapag kainan.

"Kaya magpagaling ka na Nilo, para pag nagpakasal sila Kenjie at Brianna ay maihatid mo sya sa altar." excited na kwento ni Melissa na kinabigla naman ni Iya at hindi nakapagsalita sa sinabi nito.

"Hindi pa nababanggit ng anak ko na may plano na pala silang magpakasal ni Kenjie mo." sabi ni Badette ang nanay ni Iya.

"Balae, iyang mga anak natin ay masyadong malihim. Baka mamaya nyan masupresa na lang tayo na mag-kaka-apo na." sabay tawa nito.

"Magiging lolo at lola na ba kami, anak?" tanong ng tatay ni Iya.

"P-Po? hindi pa po." mabilis na sagot nito sa ama. Hindi alam ni Brianna kung paano sasagot sa mga sinasabi at tinatanong ng mga magulang sa kanya.

"Ngayon pa lang balae ay na-eexcite na ako. Kung alam nyo lang matagal ko na talagang kinukulit ang anak ko na mag-asawa at ng makita ko na ang mga apo." dadag pa ni Melissa.

"Sabagay, at habang maaga pa ay makita na natin ang ating mga apo dahil tayo ay hindi na bumabata." sabi ni Nilo.

"Sang-ayon ako sa'yo dyan. Iyan din ang sinasabi ko kay Kenjie at saka naiingit na rin ako sa mga amiga ko na may mga dalang apo pag nagkikita kami. Paniguradong magaganda at gwapo ang mga magiging apo natin." at nagsitawanan ang sila.

"Kailangan ko na talagang magpagaling ng lubusan ng makaipon sa kasal ng mga anak natin." ani ni Nilo.

"Naku Nilo, huwag mo ng isipin pa yun at kami ng bahala sa lahat ng gastusin. Ang mahalaga ay lubusan ka ng gumaling at lumakas ng maalagaan pa natin ang mga magiging apo natin, hindi ba Mare?"

"Oo naman, napakaswerte naman ng anak ko at magkakaroon sya ng mabait na mother in law." sagot ni Badette na kinangiting lalo ni Melissa.

"Maswerte rin naman ang anak ko dahil nanggaling sa mabuting pamilya ang kanyang nobya at bukod dyan ay napakabait din ng anak nyo at napaka sipag."

"Salamat sa mga papuri, Mare." sagot ulit ng nanay ni Iya.

Napatagal din ang paguusap nila Melissa at mga magulang ni Iya kaya imbes na makapasok ng maaga sa trabaho ay nag-half day na lang ito. Hindi rin naman alam ni Brianna ang sasabihin sa mga magulang kaya agad-agad din syang umalis ng bahay at pumunta ng trabaho para makaiwas sa mga katanungan ng mga magulang.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon