Chapter 37

188K 2.7K 308
                                    

Magkakalahating oras na kaming naghihintay dahil kanina pa lumapag ang sinasakyan namin.

"Fck, where the fck is that gu--" Hindi naituloy ni Kris ang sasabihin nya dahil siniko ko sya sa tagilirian.

"Ano ka ba Kris? May mga nagdadaan." Suway ko sa kanya. Umiiral na naman sya. Nasaan na ba kasi ang susundo saamin?

"Tsk!" Ang tanging sinabi lang nya at padabog na naupo sa tabi ko. Nakahinga ako ng maayos kasi hindi nya ako sinigawan dahil pinagbawalan ko sya. Ayaw pa naman nya ang pinagbabawalan.

Nanatili na lang akong nakaupo at pinanuod ang mga kasama namin.

Ang tanging maingay lang saamin ay si Blue at King. Mga wala kasing kasama.

"Sir!" May lalaking lumapit saamin. Nasa mga edad 40s na sya. Mataba sya at maliit.

"Bakit ngayon ka lang manong Joe? kanina pa kami." Reklamo ni Sean at tumawa.

I'm excited to see their farm and look around. I love provinces.

Napahikab ako dahil sa antok. Wala pa kasi akong tulog. Tska napagod ako sa byahe.

"Inaantok ka?" Tanong ni Kris na nakatingin saakin.

"Hmm.." Tango ko sa kanya at pumikit. Siguro, dapat matulog na muna ako.

Nakapikit lang ako at hinihintay na makatulog. Naramdaman kong bumilis ang sasakyan at unti unti na akong inantok ng tuluyan.

"Hoy Kris, pare! Wag mo naman tunawin!" May narinig akong sumigaw at nagtawanan pero hindi ko na naintindihan dahil nakatulog na ako.

Napatingin ako sa napakagandang lugar na hinintuan namin. Eto na ba ang hacienda nila stanley? Napakaganda.

Busy ang mga lalaki sa pagaayos ng mga gamit at pagbibitbit.

Naglakad na kami. Hindi ko mapigilan mapatitig sa kagandahan ng paligid. This is a.. fantasy! Ang ganda ganda. Napapalibutan kami ng mga magaganda at nagtataasang hilera ng puno sa magkabilang gilid ng dinadaanan namin. Napakaganda ng lugar.

Natatanaw ko na ang malaking mansyon. Ang ganda naman. Nakakapagtaka kung ano ang itsura nyan sa loob. At pagkatapos ng mahabang paglalakad ay nakapasok na kami sa loob ng mansyon  at may sumalubong saamin na isang matanda na i think nasa edad 60s..? Hindi ko malaman ang edad nya dahil maganda parin naman sya. I think isa sya sa mga pinakamaganda noong mga kapanahunan nila.

"Yow Lola!" Bati ni King sa matanda at nilapitan ito, akala ko pa ay magmamano sya pero.. nag.. bro fist sila?!

"Oh! Ang paborito kong boyfriend ay naandito pala!" Nagulat ako ng sumigaw si lola Lina, nakatingin sya kay Kris habang papalapit saamin.

Natawa lang si Kris at nag-hi five sila.

"Sus, akala ko ba ako ang paborito mo?" Sabat ni Ethan.

"Wala eh. Kasal ka na eh." Sagot ni lola, tapos nagtawanan sila.

"Lola talaga oh."

"Oh." Nagulat si Lola ng mapatingin sya saakin. "Kasama mo ba sya?" Nakatingin parin saakin si Lola ng magtanong sya.

"Yeah." Sabi ni Kris at umakbay saakin. "..fiancee ko." Sabi nya na parang sanay na sanay na syang sabihin yun.

Rumehistro ang gulat sa mukha ni Lola, maging ako ay nagulat sa sinabi nya. Pero natandaan ko ang sinabi nya dati. Na sa iba, sya na ang bahala magpakilala saakin. Sabagay, alangan naman sabihin nyang sex slave nya ako?

Hindi nagtagal ay nawala na ang gulat sa mukha nya at napalitan na ng ngiti. "So mababawasan na pala ang boyfriend ko?" Kunwari ay nalungkot ang mukha ni lola. Nakapout pa sya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon