Part 28.

18.3K 546 15
                                    

“Sorry I’m late h-hinatid pa kasi namin si Ynno sa ekswelahan.”

Naka ngiti lamang si Jayden saking sinabi habang naka tingin naman ng makahulugan saakin si Rose.

“Text me later so I can pick you up,” I nod and smile at him.

“Enjoy love, Bye.” hindi na ako naka palag pa ng hawakan niya ang aking bewang at mataimtim akong halikan.

I was breathless, huli na nang mapagtanto kong may mga matang naka tingin samin. Agad akong humiwalay sa kanyang bisig at nag paalam.

...

Napa lingon ako saking kaibigan na si Rose. “Ano ba? Kanina kapa naniniko ah,”

“Wala kabang ikukweto? I’m sure sa two weeks nating di pag kikita ay marami ng nangyari sainyo.”

“Wala paring bago dahil lagi parin namin pinag tatalunan kahit mga maliliit na bagay lang,” napa buntong hininga ako habang namimili ng mga damit.

Dinala kami ni Jay sa isang sikat na mall at libre niya raw lahat ng gusto naming bilin.

“Seloso parin ba hanggang ngayon?”

Tumango ako ng malungkot.

“Bat di pa kasi kayo mag pakasal? Hindi yung ganyang selos kayo ng selos sa mga taong naka paligid sainyo!”

“Hindi naman kasi ganun kadali yun Rose.”

“E ano pabang iniintay mo? Mabuntis ka ulit ganon ba? Mag parami nalang kayo lagi bago mauwi sa simbahan?”

Hindi ko siya sinagot at mas binaling ko ang aking atensyon sa pag pili ng damit.

“Natahimik ang gaga. Alam mo kahit i deny mo pang walang nangyayari sainyong dalawa walang maniniwala sayo.”

Sinamaan ko ito ng tingin. “Hindi ko naman nililihim yun at di mo na kailangan pang ipangalandakan yun dito okay?”

“May napili naba kayo?” sabay kaming napalingon sa nag salita.

“Okay na sakin to Jay.”

“Bat isa lang yang kinuha mo Patricia? Psh, wag kana mahiya kay Jay! Kunin mona lahat ng gusto mo at minsan lang manlibre yan!”

“Hindi na. Ayos na to sakin.”

Inabot ko ang napili kong damit kay Jay at ganon rin ang ginawa ni Rose.

Lima ang napili niyang damit pero dalawa lang pinabayaran niya kay Jay, nahiya naman raw kasi siya dahil isa lang ang kinuha ko.

Matapos bayaran ni Jay ang aming mga pinamili ay nag aya na itong kumain. At syempre sagot niya parin.

Sa isang Japanese restaurant niya kami dinala dahil may gusto raw itong ipatikim samin na masarap na seafood at sushi. Hindi naman kami tumanggi dahil una treat niya lang to samin, although hindi ko hilig kumain ng sushi, paborito ko naman kumain ng mga seafoods.

Agad kaming naka upo pag katapos kaming batiin, nag pareserve na pala talaga si Jay para sa kanyang pagalis.

“Hindi ka naman msyadong prepared sa despedida mo Jay?”

“Matagal kona talaga kayong gustong dalhin dito, kaso lagi naman kayong busy kaya ako lang lagi umaalis na mag-isa, mas nauna ko pa ngang i libre si Ynno kesa sainyo.”

“Kayo o si Patricia lang?”

Sinamaan ko ng tingin si Rose dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

“Joke! Kayo naman di na mabiro, ang seryoso niyo kasing dalawa.”

Binigyan kami ng menu para makapili kami ng kakainin. Ngunit sa di malamang dahilan, ay wala akong mapili o miski magustuhan man lang sa mga nakalagay sa menu doon.

Escaping the DonorWhere stories live. Discover now