Part 1.

55.1K 1.2K 25
                                    

Naalimpungatan siya nang makita niyang umaga na. nag unat pa siya bago buksan ang kanyang mata. napabalikwas siya sa kama nang makita kung anong oras na. It's already nine in the morning. Kadalasan, dapat ay paalis na sila ng ganoong oras o di kaya ay naka sakay na sila ng jeep papuntang eskwelahan.

"Ynno! baby gumising kana Nako! na late ng gising si mama." sabi niya sa anak na natutulog sa kanyang tabi.

Agad akong pumunta sa kusina para mag luto ng almusal. nag labas siya ng dalawang pirasong itlog at prinito iyon. "Anak punta kana sa banyo at papaliguan na kita! malalate tayo." sigaw niya sa anak.

Naalala niya pa ang bilin rito kinagabihan na huwag mag pupuyat para hindi sila mahuli sa unang pasukan nito bilang nursery. ngunit kabaliktaran lagi ang nangyayari.

In thirty minutes ready na ang kanyang anak at naka bihis narin ito ng uniporme. "kumaen kana jan Yno at maliligo lang si mama."

Her son was only four pero matured na itong mag-isip. hindi niya man iyon gusto pero wala siyang magagawa batay roon. At kung tatanungin niyo siya kung nasan ang kanyang asawa wala, She's not married no boyfriend either. Wala siyang balak mag pakasal at mag karon ng asawa dahil sakit lamang iyon sa ulo.

"Late nanaman ba tayo ma?" inosenteng tanong ng kanyang anak. matapos niyang ipalaman ang itlog sa tinapay ay inilagay niya iyon sa lunch box nito.

"Medjo... sorry anak babawi nalang si mama." malakas na boses niyang sabi dahil bumalik siya sa kwarto para balikan ang kanyang pitaka at cellphone.

"Wala naba nakalimutan si Mama?" tanong niya sa anak dahil kilala niya ang sarili lalo na't kapag nag mamadali. she forget things easily.

"Susi?" tumango siya at binalikan iyong muli sa loob ng kwarto. it took her another five minutes dahil hinanap niya pa kung saan niya pinatong ang bagay na iyon, kundi niya pa tinignan ang pitaka ay hindi niya makikitang andon na ang susi ng bahay.

Inayos niyang muli ang suot na damit. First day ng anak niya sa Nursery kaya't hindi lamang siya ang excited kundi pati narin ang kanyang anak. naka ngiting binalingan niya ito bago umalis.

At exactly ten thirty ay naka rating na sila ng eskwelahan. thirty minutes late again in every first day.. of his son. Niyakap niya ito ng mahigpit bago pinakawalan. "Tanda mo ba lagi sinasabi ni mama Ynno?"

"Opo ma.wag aalis hangga't wala si mama, wag sasama kung kani-kanino, wag makikipag-usap sa di kilala at makinig lagi kay teacher." hindi mattanggal ang ngiti sa kanyang labi habang sinasabi nito ang mga lagi niyang sinasabi bago umalis.

"Babalik si mama mamaya okay? Intayin mo si mama."

"Opo ma. Kailangan kona po umalis late na po ako."

Mahina siyang tumawa at hinalikan ito sa pisngi. "I love you nak!"

He wave back at me at nag babye rin siya sa anak bago ito tuluyang mawala sa kanyang paningin dahil pumasok na sa silid.

...

Napasalampak siya ng upo habang hawak ang kanyang ulo. Kasama niya ngayon ang bestfriend at Ninang ng kanyang anak na si Rose.

"Let me guess, late nanaman kayo ngayong first day?" hula nitong sabi habang iniinom ang inorder nitong kape.

Nag taas siya ng ulo at ginaya ang ginawa nito. sumimsim rin siya ng kape bago sumagot. "Pano mo naman alam?" sabi niya rito.

"Lagi naman e, jusko Pat! mag grade one na inaanak ko hindi na pwede yang ganyang sistema."

"Sobra ka naman! hindi naman kami laging late. nag kataon lang na gabi nako nakatulog kase may kailangan pakong tapusin."

Escaping the DonorWhere stories live. Discover now