MANHID:Chapter 7

953 18 3
                                    

Manhid

©2013/supladongtorpe09

Ihibigay naman ng batang lalaki ang nakuha niyang pink na gumamela sa batang babae. Ilang saglit lang ay hihinto na sa pag-iyak ang batang babae at pilit na itong ngingiti.

Magtatawanan na sila pareho  at masayang maghahabulan paikut-ikot sa punong acacia.

Gusto kong makisali sa kanila pero hindi ko magawa. Strict kasi ang parents ko. Ayaw ni Mommy kasi baka masugatan lang ako.

Overprotective  sila  kasi baka daw mabangasan ang guwapo kong mukha at takot sila na mabawasan ang kacute-an ko. hahaha..

Sus! Yabang lang talaga ng Minion na ito eh. Batuhin kita na paa ko eh. este sapatos pala. hahhaha.

One time nagkaroon ako ng chance na makausap ang batang babaeng iyon. Gaya pa rin ng  dati, umiiyak na naman siya pero wala ang batang lalaki para patahanin siya. Mabuti na lang at may meeting pa ang Mommy ko together with the school heads at alumni kaya malaya akong gawin ang mga bagay na gusto ko nang hapong iyon.

Hui bata, bakit ka umiiyak? Nangingimi kong sabi. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita.

Umiiyak pa rin siya na parang walang ibang tao sa harap niya.

Nasaan na yung batang lalaki na kalaro mo kahapon?

Sa tanong kong iyon ay lalo namang lumakas ang pag-iyak nya at nauutal na sinabi.

Wa...wa..wala na siya. i.i..iniwan na niya ako. Katulad lang siya ng Papa ko. Nang-iiwan din siya. Sabi niya di siya aalis pero umalis pa rin siya.

Umalis lang pala eh.. Babalik yun for sure. Wag kang mag-alala.

Sino ka ba ha? Umalis ka nga dito! Alis! Alis ka dito!

Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka okay.  Isa pa malapit nang dumilim. Baka mapahamak ka. Bakit ka nga pala nandito?

Wala kang pakialam! Umalis ka na lang pwede?

Hindi nga sabi eh! Saka gusto ko dapat sabihin mo na friends na tayo bago ako umalis.

Bahala ka na nga sa buhay mo! Kung ayaw mong umalis ako na lang ang aalis.

Agad siyang tumayo nun at tumakbo. Hahabulin ko sana siya pero nakalayo sya agad.  Napansin ko ring naiwan nya rin ang isang kwintas na may letter E kung kaya't dinampot ko ito. Kasama nun ang isang papel na lamukos na sa tingin ko'y sulat iyon mula sa batang lalaki.

Oo. Hindi ka nagkamali. Akin nga ang sulat na yun. Yun ung letter ko sa kanya bago kami pumunta sa Manila. Epal ka kasi eh.. Extra ka lang sa buhay namin ni Kathrine.

Kinabukasan nakita ko na naman sya sa ilalim ng puno. Paikut-ikot sya na para bang may hinahanap.

Nilapitan ko siya at masayang binati.

Huy batang maganda, kamusta ka na? May hinahanap ka ba?

Wala kang paki! Ang yabang-yabang mo! Umalis ka nga! Naiirita ako sayo!

Patuloy sya sa pag-ikot at paghahawan ng damo. Umupo ako saglit at pinanood siya sa kaniyang ginagawa. Saglit akong nag-isip bago magsalita.

Paano kung sabihin ko sayong makakatulong ako sayo, hahayaan mo ba akong manatili dito?

Ah.. eh.. sabi niya sa mabbang tono.

Lalo talaga siyang gumaganda kapag malumanay ang pagsasalita.

Ahh.. may hinahanap kasi ako. Mahalaga kasi sakin yun kasi bigay yun ng bestfriend ko. Hindi ko sinasadyang mawala kahapon.

Alam ko yung hinahanap mo. Di ba yun yung kwintas na may letter E?

Oo yun nga! Paano mo nalaman yun?! Nakita mo ba? wika nya na parang nagniningning ang mga mata.

Oo. Nasa akin ang kuwintas na yun. Nahulog ata sayo kahapon.

Sa akin nga yun. Akina na!

Nakikiusap na ang mga mata nya nun. Nagmaakaawa siya na ibigay ko na sa kaniya ang kuwintas niya.

Ibibigay ko sayo yun sa tatlong kondisyon.

Hah!? Ang daya mo naman. Akin naman un eh. Akina please?!!

Pero ako ang may hawak eh. Makukuha mo lang yun kapag nagawa mo na ang tatlong kondiayon na hinihingi ko.

Sige na nga yabang. Ano ba yun?

Una, papayag kang maging friend ako.

Tapos?

Ikalawa, hahayaan mo akong samahan kita dito tuwing uwian na maghihintay ka sa sundo mo at pangatlo, dapat maging magbestfriends tayo.

Pag nagawa mo na lahat yun makukuha mo na ang kwintas mo pero sa ngayon  ako muna ang magsusuot nito.

Ala! Ang daya daya mo naman.

Bahala ka... Ikaw rin! natatawa kong sabi habang tumatakbo papalayo.

MANHID Where stories live. Discover now