Chapter 35

3.5K 110 16
                                    


Chapter 35

Only Mine


Hindi pa sumisikat ang araw bumangon na 'kong upang makapag-jogging sa loob ng village. Ilang araw na rin kasing hindi ako nakakatakbo dahil sobrang abala sa nakaraang trabaho. Nasabihan na 'ko ni Dylan na hindi na siya makakasabay kasi inumaga na sila ni Damon. I am fine with that. A time alone makes me gather my thoughts. Hindi ko alam kung maganda o panget ang resulta nito.

Nag-umpisa akong mag-jogging at nadaanan ko bahay niya raw. Ni Densel. Hindi ko binigyang pansin ito at nagpatuloy lamang sa pagtakbo. The thought of his name makes my heart hammered inside my chest. Iyong nangyari sa afterparty, hindi ko pa rin makalimutan. I let myself give in. I let my heart win that time. Ngunit hindi naman nagpatalo ang isip ko nang dumating si Jared. But the thing was, it just made my heart broke into pieces. I guess, the thought of Dani has still feelings for him made my lungs collapsed and heart shattered. Hindi ko makalimutan ang mukhang binigay ni Densel. I shouldn't feel that—this way. Wala akong karapatan. I set my boundaries. There will be always a line between things with us. I know that...I know that...

My time here in Manila is limited. Malapit na 'ko—kami ni Dylan bumalik sa Paris para sa pag-aaral namin. No need to worry about things that happened. 'Di ba nga, hindi naman iniisip minsan ang what-ifs? Dahil nakakagulo lang 'to ng isip...I wish it is really easy to not think about the possibilities that could happen.

I breathed a sigh.

Hindi ko pa nakakausap si Dylan sa mga nangyari sa akin. Abala kasi siya sa bakasyon nila ni Damon. Hindi ko alam kung pupunta silang Cebu o Davao. O kaya parehas. Gusto ko sanang sumama ngunit I want the two of them to be alone. This is their days. Ayokong makagulo. Kahit alam ko namang isasama nila ko dahil nag-aya si Dylan. Tinanggihan ko...

Napahinto ako upang uminom ng tubig. Sa pagod ko, hinabol ko ang hininga ko. Napapatong ako ng kamay ko sa aking tuhod. I breathed. And breathed multiple times. Nang makuha ko ang hininga ko ay nag-umpisa muli akong tumakbo pabalik naman. Napahinto ako nang matapat sa harap ng bahay ni Densel dahil sa tumatahol na aso. Kahit na kumakalabog ang dibdib ko sa kaba, lumapit pa rin ako hanggang sa sumilip na. Ang malamig na bakal na gate ay hinawakan ko ng mahigpit.

Patuloy ang pagtahol ng aso sa isang direksyon. Nandoon ang Mazda pick-up truck ni Densel. Bukas ang host at dumadaloy ang tubig. Someone's holding it. I was taken aback when I saw Densel, holding the host. Mukhang nililinis niya ang sasakyan. The dog stopped barking.

"Susunod kita," ani Densel. He was talking to his dog. Patuloy ang pagsaboy niya ng tubig sa kanyang sasakyan gamit ang host.

Tumahol ang aso bilang sagot.

I sweep Densel's features. Mukhang seryoso niyang nililinis ang sasakyan. Basa na ang upper body niya. He is soaking. I could see underneath his tee-shirt...his chest. Damn it.

Napaalis kaagad ako ng tingin. My lips parted when I looked at his face. Nakatingin na ito sa akin, nakataas ang isang kilay pagkatapos binaba. The dog barked again. And it was me the reason why. Napalunok ako.

"Hi," ani ko, "Napadaan lang. Tumatahol kasi ang aso mo. 'Kala ko..." I trailed off.

Napapunas kaagad ako ng noo. I don't know if because of sweat.

Umatras na 'ko nang humakbang naman si Densel pagkatapos niyang patayin ang host. Patuloy ang pagtahol ng aso sa akin. I cringed at the sound of the bark. Mukhang inis na inis naman 'tong aso na 'to sa akin. And the dog is girl! Wala naman akong ginagawang masama sa amo niya...well, sumisilip ako. Is that a bad thing?

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon