Chapter 1

6.8K 113 3
                                    

Chapter 1

I'm on this


From Chico:

Puntahan kita sa inyo.

I received a text from Chico. Napatayo kaagad ako sa kama ko kahit kagigising ko lamang. Napalabas kaagad ako ng kwarto at nagdiretso sa banyo para lamang magmumog, maghilamos, at ayusan ang sarili ko. Ilang oras pa lamang ang tulog ngunit ang aga ko namang nagising. I hate my body clock. I hate how crooked it is now.

Inayos ko na lamang ang buhok ko ng isa pang beses bago lumabas ng banyo. Naabutan ko sila tatay at nanay sa maliit naming kusina na nag-uusap. Mabuti na lang hindi nila ako napansin at tahimik akong nakalabas ng bahay. Maliit lamang ang bahay namin. Walang second floor. Halos magkakatabi na ang sala, kusina, at ang kwarto. Kapag kasi nasa pintuan ka makikita na kaagad ang sala pagkatapos ilang hakbang lang nasa kusina ka na. Tapos sa dalawang gilid 'yong kwarto.

Saktong pagbukas ko ng maliit na bakal na gate namin ay siyang dating ni Chico. Mukhang 'yong Fortuner ni James ang gamit niyang kotse ngayon. Bumaba siya kaagad doon at binungad ang maliit niyang pagngiti sa akin. His genuinely smile makes me smile on my part.

"Hindi ba nagalit ang tatay mo sa'yo?" bungad niya sa akin nang makalapit sa pwesto ko.

Agad akong umiling sa tanong niya para umiwas ng titig sa kanya dahil sa katayuan niya at hindi niya mapansing nagsinungaling ako. Mahirap na dahil hindi pa rin okay kay tatay 'yong pag-uwi ko ng madaling araw.

Chico is wearing a white V-neck shirt and a faded blue ripped jeans. He is also wearing baseball cap on his head. That's why I don't like to stare at him for this moment. Napatitig na lang ako sa sapatos niya.

"Bakit ka pala napapunta? May nangyari ba kay Scarlett?" tanong ko at tumingin sandali sa kanya pagkatapos ay tinuon ang atensyon sa Fortuner na nasa harap namin. Narinig ko na lang ang tunog ng susi na maaring pinaglalaruan niya ngayon sa kamay.

"Wala naman. I'd like to take Leigh again." I look at him, this time. Nakatingin na si Chico sa akin na nakaawang bahagya ang bibig pagkatapos ay isinara niya iyon. His lips never failed to give me a lopsided smile. My cheeks burned in no reason so I looked away again. "Pwede ka ba mamaya? I want her to experience Graffiti party." He told me.

I felt his hand on my back. Nagkagulo ang loob ng aking sistema sa hawak na iyon. Napagaslaw ako ng kilos at hinarap siya. "Oo naman. But please...kapag sinabi kong kailangan niyo ng umuwi, umuwi na kayo kaagad." Dahil baka mamatay ako sa kaba kapag mangyari 'yong iniisip ko.

Hinawi ko ang buhok ko at tinititigan siya. Unti-unting lumawak ang ngiti ni Chico sa akin. Pumungay ang mata niya sa akin. At lalong nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng aking sistema. Inalis pa niya ang sombrero sa ulo at agad na nilagay sa akin na naging dahilan para hindi ko makita ang reaksyon niya. "That's a promise...love," aniya.

**

Sa likod bahay ako dumaan para lang doon pumasok sa kwarto ni Scarlett. Chico instructed me this way. May inayos na siyang hagdanan para lang makapasok ako sa bintana ng kwarto ni Scar. May pinto rin naman sa likod bahay ngunit ito ang tinuro ni Chico sa akin dahil mas ligtas na dito pumasok ngayon. Kabang-kaba ako paakyat at palinga-linga sa paligid dahil baka may tao o ano pa man. Tagumpay naman akong nakapasok mula sa bintana. Agad akong napaupo at napasandal sa pader. Nang makuha ko ang normal kong paghinga ay tumayo na ako para isara ang bintana. Pagkatapos, tumingin sa malaking kwarto ni Scarlett. I never felt safe here. Pati yata ang may-ari ng kwartong ito ni minsan hindi naramdamang ligtas ang kwartong 'to. Malinis at nasa ayos ang lahat ng gamit. Iyong malalaki niyang cabinet, Iyong study table niya, at iyong kama'y lahat nasa ayos.

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon