Chapter 7

3.3K 84 4
                                    


Chapter 7

Don't miss me


I didn't buy any books. Takang-taka si Chico na lumabas lang kaming bookstore na wala akong bitbit na kahit anong libro. Pati rin siya, hindi na nakabili ng kahit ano. Tinitignan niya lang ang mukha ko, at inuusisa ngunit nagkibit balikat lang ako.

"How on earth you didn't buy any book?" aniya nang makalabas kaming bookstore.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Nag-unat naman siya, at nilagay ang dalawang kamay sa ulo na takang-taka pa rin sa akin.

"Wala akong gusto," ani ko.

Inalisan ko siya ng tingin. He is still wearing an earring. Ngunit isa lamang, bilog na itim.

"Excuse me," anito na may halong pang-aasar ang tono. Hinarap ko siya muli. Marami-rami ang tao sa mall ngayon. Tinignan ko ang mukha ni Chico na tila pinipigilan niya ang labi sa pagngisi. Umiiwas naman siya dahilan upang ang panga niya'y ma-define. "Kilala kita, Grace."

Humalakhak na si Chico.

Napabuntong hininga ako. "Self-control." Pumikit ako. Dahil wala ng budget para sa pagbili ng libro. Dahil wala na talagang pera para rito. I need to self-control. This is the hardest thing to a bookworm, to self-control on buying books.

Mahirap man, pikit mata ka na lang dahil unang-una wala naman akong trabaho. Wala rin akong nabibigay sa mga magulang ko kung dito ko lang igagasta ang perang natitira ko. Ang ipon kong paubos na. O wala na talaga.

Tinignan ko muli ang bookstore. Napansin kong nakatingin sa mukha ko sa Chico. I look at him. Nagbuntong hininga ako. Alam ko ang iniisip niya ngunit hindi ko papatulan.

"No," I said with conviction. "No. Hindi ko tatanggapin ang alok mo. No. Hindi ako hihiram." Dahil ang alam ko, ang mukhang iyon, ibig sabihin gagastusin niya ang sariling pera para sa libro. Para sa akin. Yes, I've known that face. Nakataas ang isang kilay niya. Ang mata niya'y nanunuyo. Unti-unti ngumunguso ang labi niya. Yes, I knew that face. "Ayoko," ani ko. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

I stared at him. And so was he.

"Grace..."

"Densel..."

Napapikit si Chico. The second name calling means this thing got serious. Bumuntong hininga siya.

"Fine," he said, and I heard him cursed under his breath. Aalisan ko na sana siya ng tingin, ngunit nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Lumapit ang mukha niya sa akin, sabay ng paghigpit niya ng hawak sa aking pisngi. "Fine!" He breathed a sigh. "Is there something wrong, Grace?" Tinignan niya ang aking mata. "You look worried. What happened? Sa trabaho ba 'to?" Inalis ni Densel ang hawak sa akin.

I can't lie.

Tumango ako.

"So you were pissed about it? Really?" aniya, kunot noo.

What? Am I not allowed to get pissed not having a job? I am unemployed! I am un-freaking-employed, for goodness' sake! Tila nagbalik ang nangyari noong nag-apply ako ng trabaho. Para bang nagpantig ang tenga ko. Yes, this is not me. But I am frustrated. Really.

"Yes. I am. Until now," I said, bit my lip hard, trying not to get annoyed to the fully extent.

Ngunit tumawa si Chico.

"Grace, you're still young. You don't need to get pissed easily not having a job. Siguro hindi pa ngayon," aniya, sabay akbay sa akin.

Tinignan ko siya. My forehead creased. "Really? Kailan? Tell me. Predict my future then."

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon