Beginning

14.2K 179 8
                                    


Beginning

Trouble


Mahigit isang oras na ako sa kwarto ni Scarlett. Madilim at panay tingin ko na lamang sa kisame. Inaalala 'yong huling pahina ng librong kaninang binabasa 'ko. Kagat-kagat ko ang aking labi habang iniisip iyon. Ngunit napahiga kaagad ako nang may narinig na yabag sa labas ng pinto ni Scarlett. Agad akong nagtalukbong ng kumot at nagdasal na hindi ang kanyang lolo iyon.

"Sana," I whispered quietly. Sana! Sana hindi si Mr. Lorenzo iyon! I closed my eyes tightly and I prayed so hard. Dahil kung bigla na lang pumasok iyon dito at magpagkamalan akong si Scarlett, hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko.

"Mommy! Come on, talk to Yuan! I want to talk to him!" But I heard Jezel's voice outside. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Inalis ko ang kumot sa akin. Gusto ko ng sumigaw ngunit hindi pwede. Unti-unting nawala ang boses ni Jezel sa labas. Napatitig ako sa kisame at ngumiti ng maliit.

Sa mansyon ng Sy ay may nagaganap na party. I think this is a celebration between Wong and Sy. Halos lahat ng business partners ng Sy at Wong nandito. Sabi ni Chico, isang celebration ito sa pagkakasundo ng kasal nila Yuan at Scarlett which I know Scarlett doesn't want this. Kahit na nababalita na 'to noong college kami hindi niya 'to pinapansin. And that's unfair. You can't force yourself to love a person you don't want in the first place. You can't teach your heart to love this one particular person for someone's sake. Maybe in fiction...maybe in fiction, impossible things can be possible. But this world, Scarlett's world is different from anyone. She can't do things she'd want. It is always his Lolo's command. Lorenzo over happiness.

And to help her to find the happiness she always wants, his twin brother—my best friend is helping her to find it...to find it by her own. Chico wants his twin sister's freedom. Siguro sa maliit at mapanganib na senaryo na 'to ay magiging masaya si Scarlett. And I know the saddest part, we don't know if this permanent. Dahil alam naman na, this is just temporary. But I adore him. Chico is the brother anyone's dreaming of. A protective, caring, and considerate one.

Sa malaking kwarto ni Scarlett ako namamalagi. Nagpapanggap na ako siya ngayon dito sa kwarto niya at natutulog kunwari sa pagod na nangyari. It was early in the morning when I'd received a text from Chico. He texted me to come over. Kahit na hindi ko alam kung tungkol saan pero pumunta pa rin ako rito sa mansyon. He gave me some small details but never thought of this.

Why I would be here in the first place? Why would I risk something here? Because he's my best friend?

Napasandal ako sa ng ulo sa pader at tumingala. I was about to close my eyes but my phone vibrated. Napatingin kaagad ako sa small cabinet na katabi ng kamang ito. Inabot ko ang aking phone katabi ng dala kong libro pampawala ng bagot. Nakita ko ang pangalan ni Chico sa screen ng phone ko.

From Chico:

You okay, love?

Tumalon ang puso ko sa nakikita kong tatlong salita. Nanginig panandalian ang kamay kong nakahawak sa phone. Chico knows how to disgust me. Chico knows how to play well. Chico knows it. Ngunit kinaya kong mag-reply sa kanya.

To Chico:

Yeah. Bakit?

To Chico:

Stop.

Wala pang limang minuto ang nakakalipas ay nagreply siya.

From Chico:

Sorry hahaha

From Chico:

Matatagalan kami. May problema ba?

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon