Chapter 17

3K 81 3
                                    


Chapter 17

Say something



Ilang mensahe ang pinadala ko kay Chico sa pamamagitan ng aking telepono. Ngunit sa dami ng aking pinadala, isang mensahe lang ang natanggap ko mula sa kanya.


From Chico:

Sorry, busy.


I stared at his text message. Gusto kong mag-usap kami para dito sa nangyayari sa akin. Sa alok ng tita ko. Sa nangyari sa pamilya ko. Sa kanya. Hindi ba siya ang dapat kong takbuhan sa ganitong bagay? Kung hindi man siya magsalita, rerespetuhin ko ang mahalaga, nasabi ko sa kanya. Ang mahalaga may masasandalan ako. Pero anong nangyayari? I don't want to be selfish. Alam kong may buhay din ang tao. Ang kumplikado ng pamilyang mayroon siya, pero hindi naman naging hadlang dati 'yon para hindi kami makapag-usap. Kasi gagawa siya ng paraan. That what's friends for...pero anong nangyayari ngayon? Sa amin? Sa bawat isa sa amin? We're both clueless...


Ilang text messages din ang natanggap ko kay Tita Yasmin tungkol sa inaalok niya. Nag-reply na nga siya sa email na pinadala ni Claudia. Aniya, may papadala na lamang siya ng text messages sa akin para sa mga papeles na kailangan.


Madaming aakikasuhin, ngunit inuumpisahan na ng mga magulang ko ang mga papeles na kailangan ko. Sa pagkuha ng mga clearance. Inaalam nila kung anong kailangan dalhin para sa akin. Sa pagkuha ng pasaporte. Sa mga documents na kailangan para sa pag-aaral ko muli. Sila ang nag-uumpisang mag-ayos nito sa akin, para hindi na ako mamoblema kapag kinuha ko na ito. They are doing this for me...Gustong-gusto nilang ako'y umalis na at kunin ang pangarap nila para sa akin.

Parehas silang masaya noong nakipag-usap sila kay Tita Yasmin tungkol sa pagpapaaral sa akin.

"Oo naman, Yasmin! Gusto ni Carmela na matuloy siya! Oo hinihahanda na niya ang lahat!" ani nanay, sa pakikipag-usap sa telepono kay tita. Tuwang-tuwa ito sa pagbanggit ng mga nagawa ko. Tumitig siya sa akin, ngiting-ngiti.


I am still not convincing myself. Gusto kong makausap si Chico tungkol dito. Gusto kong magdesisyon kami tungkol dito. I want to hear his side.

Binigay ni Nanay kay Tatay ang phone ko.


"Yasmin, iyong matutuluyan naman ni Carmela 'dyan, maayos naman ba?" ani tatay. Napatango siya. "Ganon ba? Sige! Text mo na lang si Carmela kapag may mga kailangan pa siyang gawin? Ah, naayos na 'dyan? Salamat, Yasmin! Laki ng utang na loob ko sa'yo!" panghuling sinabi ni tatay, inalis ang phone sa tainga.

Lumipad ang tingin ng mga magulang ko sa akin. Binaling ko ang aking tingin sa telebisyon. Nanatili akong mag-isang nakaupo sa sofa sa aming sala. Sina Clau at ang kanyang anak ay nasa aming kwarto.


"Carmela, ayusin mo na 'yong pinapaayos sa'yo ng tita Yasmin mo. 'Yong TOR mo sa COAS. Saka 'yong iba pa niyang sinasabi. Hindi mo mapapansin n'yan aalis ka na..." ani Nanay, naramdaman ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko pinansin.

"Naku, Carmela! H'wag ng matigas ang ulo mo! Hindi mo na rin naman mababago ang isip namin ng Nanay mo! Nakakahiya sa tita Yasmin mo na inaayos ang lahat para 'dyan sa pag-aaral mo ulit," ani Tatay.

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon