Chapter 11

3.2K 99 4
                                    



Chapter 11

In love


Wala akong narinig kay tatay kung anong sinabi niya kay Chico. Hindi niya ako pinansin noong umaga sa sobrang dismaya niya sa akin. Parehas malamig ang pakikitungo ng mga magulang ko sa akin. Alam kong nagkamali ako sa nangyari. Hindi ko namalayan ang oras. Alam kong nag-alala sila ng lubos sa akin.

Ilang mensahe na ang pinadala ko kay Chico, ngunit hindi siya nagrereply sa akin. Nagtipa ulit ako ng mensahe sa kanya.

To Chico:

Ano bang nangyari? Ba't ayaw mong sumagot?

Ilang minuto ang aking hinintay, wala pa rin siyang sagot. Tinawagan ko, ngunit hindi naman sinasagot ang aking tawag. Na-attempt na akong tawagan si Leigh, o sinoman sa mga pinsan niya. Pwede ring si Newt? Nguni wala namang akong numero nito. Alam kong kasama niya lang 'to ngayong araw. Wala siyang pakelam kahit tumunog ang kanyang telepono.

Alam kong may dinulot na problema ang nangyari. Nararamdaman kong may mali. Natatakot ako sa problemang dinulot nito. I closed my eyes tightly. Sinubukan kong bumigay ang aking mata. Maybe when I wake up, everything is all right. Baka mamaya paggising ko, may reply na siya sa akin, at malaman ko na ang napag-usapan nila ni tatay. Baka mamaya.

Sana mamaya mayroon na si Chico na sagot. Sana...

"Chico sabihin mo kung ano na namang nangyari sa inyo ni Jared? Bakit ayaw mo bang umimik?" Tumayo ako at hinarap siya. Tinignan ko ang kanyang mukha. Maga ang kaliwang pisngi nito. Magkakaroon pa yata ng black eye. Umiling ako, at napangiwi.

"Nagkapikunan lang sa laro..." aniya, at umiwas.

I scowled. "Really? Sa tingin mo paniniwalaan ko 'yan?" inis ko. "Halos pagtulungan ka na ng mga barkada ni Jared kasama si Tim! Mabuti dumating sina James at Cid! Kung hindi saan ka pupulutin ngayon? Sa hospital!" I winced at my words. "Now tell me what happened. Iyong totoo!"

Umiwas si Chico.

I whimpered.

Umiling ako sa kanya. Nagkatitigan kami ni Chico. Nagkasabukan ngunit hindi niya pa rin inamin. Umalis ako sa harapan niya nang hindi na muling nagsalita. Lumabas ako ng gym ng hindi siya nililingon.

Pagkalabas ko ng gym, nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito.

From Chico:

Saan ka pupunta?

Sa inis ko nagtipa ako ng mensahe.

To Chico:

Jared

Mabilis siyang nakasagot pabalik.

From Chico:

Stop, Grace.

Hindi na ako sumagot. Mabilis ang aking paglalakad hanggang sa nakapunta akong oval. Natagpuan ko si Jared na mag-isang nakatingin sa malayo habang hawak ang ice pack sa kanyang panga habang nakaupo sa isang bench. Walang gaanong tao sa oval. Tumabi ako sa kanya, at napansing dalawang bag ang nandoon.

Napansin ako ni Jared. Napangiwi ako sa pamamaga ng pisngi nito. Si Jared ay ngumiti ng maliit. Nagugulo ang itim nitong buhok dahil sa hangin. His black eyes stared and begged for me. Umiwas ako panandali. Tumingin ako gitna ng oval kahit masakit sa mata ang sinag ng araw.

"Pwede bang mag-iwasan na lang kayo?" ani ko. "Pwede naman, 'di ba?" Tumingin ako kay Jared. Halos tumaas ang balahibo ko sa batok nang mapansin ang tingin niya sa akin. "I know how mature you are."

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon