Chapter 15

2.9K 74 5
                                    


Chapter 15

I'm sorry


Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto namin ni Clau. Kumuha ako ng kaunti sa naipon ako para pamasahe. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay bago nagtutuloy. Bumungad ang malakas na tunog galing sa telebisyon. Ramdam ko ang tingin nila sa akin. I heard Clau hiss. Ang tawa ni Claire nang makita ako. Si Tatay na nanatili sa panonood ng balita. Si Nanay na nasa kusina.

"Alis po ako," ani ko, at nagtuloy-tuloy na.

Claudia said something, but I ignored it. Ang malamig na hangin sa labas ang sumalubong sa akin, ngunit kaagad akong nakahinga. Napakagat ako ng labi nang madismaya na naman ako sa aking sarili.


What am I doing?

Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko? Dinadagdagan ko na naman ba ng kamalian? I will end disappointing myself all over again. What is this? Am I puppet of my own feelings? Sunod-sunod na lamang ba ko ng nararamdaman ko? What is happening to me?

Napayakap ako sa aking sarili. I should bring a jacket today. Mukhang uulanin ngayong gabi sa lamig ng hangin. Wala pang bituing sumisilip sa kalangitan. I am wearing an all-black clothes. Black short sleeves tee-shirt and black jeans. Naiba lang siguro sa sandals.


Pumara ako ng jeep nang makalabas ako sa aming kalye upang makarating sa sakayan ng mga bus papuntang Taguig. Pagkatapos lalakarin ko na lamang para sa bar na sinasabi ni Chico. Ilang beses nag-vibrate ang phone ko ngunit hindi ko tinangka buksan ito. I know, it is Chico. Pero bakit? Takot na takot akong basahin ang mensaheng pinadala. This is not him, kung may lakad man siya, he would offer me a ride. Ganon lagi. Ganon 'yong nakasanayan. Ngunit, iba na ngayon...there's something wrong, but I'm afraid to know.

Nang makarababa ako sa bus, narinig ko ang mahinang pagkulog, kaya nagmamadali akong naglakad papunta sa RepublicX. Binulsa ko ang kamay ko at halos tumakbo na sa lugar. Ilang tao ang nakakasalubong ko ngunit hindi ko iniinda. Bumuhos ang malakas ng ulan ngunit hindi pa rin ako nakakarating sa bar. Tumakbo na ko ngunit sobrang basang-basa ang aking buong katawan nang makarating sa RepublicX. Pumunta ko sa reception area upang konpirmahen ang aking pangalan.


I thought he was waiting on me, but it only disappoint me. Fine. That's fine.

Pumasok ako hanggang sa bumungad ang musika sa aking tainga. My eyes adjusted at the different lights wandering at the place. Abalang-abala ang mga tao sa pagsasayaw at pakikisabay sa DJ. My eyes roamed looking for familiar faces. I wish I could see Newt first before Chico. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Alam ko dapat katulad ng dati. But it will never be like the old times.

Ngunit si Conrad ang unang pamilyar na mukha na nakita ko, nag-iisa sa stool at umiinom ng beer. Nakakatititg siya sa kanyang telepono, na parang walang pakelam sa maingay na lugar na 'to. Madali kong pinuntahan ang pwesto niya at umupo.


"Nakita mo ba si Chico?" I asked him.

"Kasama ni Newt," he said nonchalantly. Tumango lang siya pagkatapos, tinuro ang pwesto nina Newt at Chico gamit ang beer na iniinom.


Bumaba ako sa inuupuan ko, at tumango. "Thanks!"

Ilang tao ang walang pakelam na ang nangyayari. Lasing na lasing na ng sistemang ginagawa ng lugar na 'to. Tumingkayad ako para makita ng lubusan iyong lugar o pwesto nina Newt at Chico. Sa dulo siguro ito. Kung saan walang gaanong tao na nakikiindak sa sayawan.

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon