Chapter 12

3K 86 2
                                    

Chapter 12

In pieces


"So best friend lang, wala ng iba?" Inalis ni Kim ang kanyang sunglasses sa mukha at tinignan niya ko ng diretso. Her forehead is slightly creased. Umupo ito sa harap kong upuan. Makinis at maputi siya. Mukhang alagang-alaga ang kutis. Normal lang ang ganda nito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng carbonara. Mataray nitong tinaas ang isang kilay. "Why you two are close? Parang kayo?" Tinuro niya ako, at ang kanyang sarili. "You know, there's a thing between me and Alegre," she added.

Tinapos ko ang pagnguya ko bago magsalita.

"I don't know about the thing you have and Chico. Pero nasabi ka niya sa akin 'yong," ani ko, ngunit tumigil para ituro siya, "tungkol sa'yo. He is dating you. Labas ako sa gusto niya. That's fine with me."

Lumapad ang ngiti niya. Gusto ko na agad matapos ang usapang ito. Masakit ang mga salitang sinasabi ko. Labag ito sa ngayon. I am stopping the thing I am feeling. This is no good. Alam ko ang lugar ko at ilulugar ko.

"All right!" Tumayo ito. "Thanks, Carmela, for clearing this out to me!" Tinapik ni Kimberly ang aking balikat. "Best friend, right. No more crossing the line." Nag-umpisa siya maglakad. Tumayo na ako at 'di na binigyang pansin si Kimberly. Kinuha ko ang aking gamit sa mesa.

I received a text from Chico.

From Chico:

Grace, 'di ako makakapasok sa next subj.

Nagtipa kaagad ako ng mensahe.

To Chico:

Bakit? May quiz ngayon.

Wala pang ilang minuto ang lumipas ay tumawag na si Chico.

"Pumasok ka," the two words I said when the call started. Nakarinig ako ng hiyawan sa background. Mukhang naglalaro siya ngayon ng basketball. Narinig ko kasi iyong boses nung madalas niyang makasama kapag sa ganto.

"Short quiz lang 'yan. May finals pa naman," aniya, tila walang pakelam. Sumigaw pa si Chico ng tungkol sa foul. "Yaan mo na, Grace! Hindi naman ako masisingko sa isang quiz! Sige ibaba ko na, mag-umpisa na kami," dagdag nito.

"Pumasok ka." Inulit ko lang ang aking sinabi kanina.

Bumilis ang aking paglakad papunta sa aming building. Ilang estudyante ang aking nakasalubong. Hindi ko alam kung may bumati sa akin dahil sa ang atensyon ko'y nasa aking kausap at sa daan.

"Ibabakante ko ang katabing upuan para sa'yo. Ibaba ko na 'to, pumasok ka." Hindi ko na binigyan ng pagkakataon si Chico na makapagsalita at binaba na ang tawag.

Nakarating ako ng maaga sa klase. Binasa ko ang notes ngunit hindi ako makapag-focus sa pag-aantay kay Chico. Dumating ang professor namin, wala pa rin siya. I texted him, I got no reply. Nag-umpisa ang quiz, wala siya. Natapos ang subject ng wala siya.

Hindi ko siya pinansin.

**

Ilang messages ang natanggap ko kay Chico, hindi ko siya pinansin ng ilang araw sa nangyari. Kung para sa kanya maliit lang 'to na bagay, sa akin hindi. Naalala ko noong first year kami, muntik na siyang magka-five dahil sa isang quiz lang. Akala mo ang maliit na bagay, maliit lang ang halaga, ngunit magkakamali ka sa resultang ibibigay nito.

"Grace!"

Si Chico.

Binilisan ko ang paglalakad papuntang oval upang doong kumain ng lunch. Naabutan naman ako ni Chico.

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon