Chapter 23

3.6K 88 4
                                    


Chapter 23

Upset


Hindi sinasagot ni Dylan ang kanyang telepono ng mga 4:30 ng umaga. Ilang beses na ang tawag na ginawa ko ngunit wala pa rin. Marahil hindi niya ito naririnig o sinadya niya lamang na hindi ito sagutin. O maaring hindi pa siya talaga gising. May usapan kaming magja-jogging kami sa Memorial Circle ng mga ala-singko, ewan ko na lamang kung nakalimutan niya 'to.

Si Dylan talaga!

Handa na ang gamit ko. Nakapagpalit na ako ng black running shorts at gray sleeveless tank top. Tinignan ko sa bag kung nalagay ko na ang tubig doon, pagkatapos napansin kong hindi maayos ang tali ng sapatos ko. Tinawagan ko muli si Dylan, habang inaayos ang tali ng sapatos. Sa pangalawang tunog ay sinagot niya 'yon.

"Good morning, babe! So—" I interrupted him.

"Come on. 'Wag ka ng magpalusot. Mag-ayos ka na! Alam kong kagigising mo lang! Sikat na siguro ang araw bago tayo makapag-jogging!" singit ko.

"Umagang-umaga naman, Grace! Ang init ng ulo!" halakhak ni Dy.

"Tse! Ikaw pa talaga nag-set ng ala singko ah!"

Humalakhak ulit si Dylan. "Ito na! Ito na! See you!" My lips parted. Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibaba ni Dylan ang tawag.

I shook my head.

Ibang klase talaga 'to!

Umiiling na sinukbit ko ang aking bag. Tinignan ko ang orasan sa aming sala. 5:15 na. Nagmamadali na akong lumabas ng bahay namin. Pagkalabas sa gate, saktong may padaang jeep papuntang QC Memorial Circle. Balak kong lakarin na lamang ito, ngunit baka maunahan pa 'ko ni Dylan o siguro'y nahihibang lang ako na mas mauuna si Dylan sa akin doon.

Sa ganitong oras, iilan lang kaming sakay ng jeep. Mabilis din ang byahe dahil sobrang aga pa. Siguro'y ang mga nakasabay ko sa jeep ay maaga sa kanilang trabaho. Hindi pa gaanong umaalingawngaw ang mga busina ng sasakyan. Pagkarating sa lugar ay pumunta kaagad ako sa pinag-usapan naming lugar ni Dylan. Kinuha ko ang telepono sa aking bag. Nakita kong may dalawang mensahe galing kay Dy.

From Dy:

Parating na.

From Dy:

Ito na.

Napairap na lamang ako. Ilang tao na ang nakakasalubong ko sa paglalakad ko. Nakarating ako sa puno ng mga tent ng wala pang limang minuto. Medyo marami pa rin pala ang nagdya-jogging hanggang ngayong dito sa Circle. Mostly mag-asawa o kaya'y mga teenagers or couples. Magaan lang naman ang bag na dala ko kasi tubig at pamalit na damit.

Malapit nang sumikat an araw ngunit wala pa rin si Dylan. I was about to text him but I saw someone running towards my place.

"Grace, let's jog! Come on!"

I rolled my eyes. Lalo nang makita ang ngiti niyang malaki. He's wearing a black jogger and a Team Paris Soccer shirt. He's wearing a ball cap on his head. Mayroon pang nakasukbit na belt sa kanyang bewang for his water. He's smiling like an idiot he is.

"Hey, Grace! You lazy pig! Come on!" aniya nang makarating sa aking pwesto pagkatapos tumakbo na palayo.

"Asshole! I'm not a pig!" I fired back. "Ikaw nga 'dyan! 'Yang tyan mo!" sabi ko, pambawi sa sinabi niya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makaabot. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin nang maabutan ko siya.

Dylan winked at me. We both have the same slow pace. The Circle looks still the same. The trees. The benches. The museum. The fresh air. The wide space. Ilang tao ang nakasalubong namin. Nagdya-jogging 'yong iba. Iyong iba'y nakabiseklata. Iyong iba'y nakaupo lamang sa benches.

Fadeless (ML, #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon