Chapter Forty-Three

3.5K 76 6
                                    

Chapter Forty-Three

My Child


"Saan ka pupunta?" Bungad ni Pat sa akin nang pababa ako ng hagdan. Inayos ko ang nakasukbit na strap ng body bag ko at bumaba ng tuluyan. Pat raised his left brow at me and his arms were crossed. Hindi ko alam kung mas naging masungit siya ngayon or sa akin lang talaga siya masungit.


He become nosy and always asks my whereabouts. Kung tunay siya na lalaki ay mapagkakamalan ko na may gusto siya sa akin, But no, Mas malandi pa nga siya sa akin, kaya hindi. Palagi niya akong tinetext at tinatanong kung sino kasama ko since this week started minsan hindi ko na siya nirereplayan dahil nagaaksaya lang ako ng oras para sagutin ang estupida niyang tanong.


It's too obvious that he's checking on me, Pat is my best friend. Sobrang overprotective niya sa akin at lalo siyang naging overprotective ngayon simula nung nakita niya akong umiyak. I don't know if he has any clue what's really happening to me or what really happened, He didn't ask anyway. If he'll ask, I'll answer him right away. I'll even tell the whole story, The goddamned story of us.


Sinuklay ko ang basa kong buhok at tiningnan siya ng walang gana bago sagutin ang kanyang tanong, "Diyan lang."


Automatikong tumaas pa ang kilay ni Pat. Hanggang saan ba aabot 'yon?


"Why are you raising your brow at me?" Tanong ko na may pagkainis sa aking tono. Ang aga aga ay nagiging paranoid na naman siya.


"Saan ka nga kasi pupunta?" I sighed heavily


"Sa ampunan," Simple kong sagot at biglang lumaki ang kanyang mga mata


"Oh my God! Mag-aampon ka? Hala teh, Anong trip mo?" Umismid ako sa kanya sabay suntok sa kanyang braso.


"Gago, Hindi porket pupunta ng ampunan ay mag-aampon na. Nako naman, Patricio! Nasan napunta yung utak natin? Sa sobrang gutom, nakain mo na ganun?" Pangaasar ko at ipinakita niya agad sa akin ang gitnang daliri sabay irap ng kanyang mata. Humalakhak ako at umiling.


"Kasi naman, Ang aga aga bigla ka na naman nagiging makulit." He smirked at me saka umupo sa sofa, Sinundan ko siya ng tingin at medyo sumunod na rin sa kanya ngunit hindi ako umupo.


"Eh san ka nga kasi pupunta?" Tanong niya ulit at ngumuso ako.


"Sa ampunan nga, paulit-ulit?" Aba! Inirapan ulit ako!


"Duh? Anong gagawin mo dun?" I licked my lips and sinuklay ulit ang basa kong buhok. Dapat pala ay nagblow-dry ako para hindi hassle.


"Bibisita," Simple kong sagot at tumaas na ulit ang kanyang kilay. Napaka talaga neto!


"At bakit ka bibisita? Sino ang bibisitahin mo?" Sunod sunod niyang tanong.


"Could you please shut your mouth? You're so nosy! Sobrang dami mong tanong, Goodbye na nga!" Asik ko at naglakad na papunta sa main door at binuksan iyon

When I Stop ChasingWhere stories live. Discover now