Chapter Thirty-Nine

3.6K 80 3
                                    

Chapter Thirty-Nine

Us


"What happened? Bakit nasa labas lahat ng damit mo, Hija? Maglalayas ka na ba?" Tanong ni Pat pagkapasok na pagkapasok niya ng kwarto ko, Naningkit ang mata ko sa kanyang sinabi. I have been looking for a perfect dress or outfit for tonight simula kagabi pa, But I found none kaya natulog nalang ako kagabi. Kaya ngayon ay nagkukuhumahog akong maghanap ng isusuot ko mamayang gabi.


Tatlong oras na akong naghahanap at naghahalungkat sa buong cabinet ko pero wala pa rin akong mahanap kahit isa! Gusto ko nang sabunutan ang sarili kong buhok, I should have bought a new dress last night para hindi na ako namomroblema ngayon! That idea sounds good but It's too late now to rush into a mall and buy new clothes just for a date! Date lang naman e!


Pero hindi, Hindi lang siya isang date. I'll be having dinner date with Jao later. First time ko! And that's the reason why I'm so nervous with what will I wear later. Hindi ko alam kung dapat ba formal or casual. I even searched on Google what are the recommendable outfits for a first date. Baguhan palang ako sa larangang ito, I'm no pro with this thing. I have never been on a date before, Never. This is my first official date. Napangiti ako nang maalala ko kung paano ako inaya ni Jao.


He just texted me a time, date and a name of a fancy restaurant around BGC, At nung tinanong ko siya kung para saan 'yun at simpleng reply niya ay Date.


Really, That man! Hindi ko alam kung saan ang romantic bones n'on but hell, I almost died because of palpitation dahil doon! And to think kahapon lang ng hapon niya itinext iyon! Kaya nagpanic ako at naghanap kaagad ng damit kagabi but obviously, I found none kaya heto ako ngayon nagaalala pa rin sa isusuot ko mamayang gabi!


"Earth to Ofia, Hello!" Napatingin ako kay Pat na nakakunot ang noo habang tinitingnan ako.


"Oh ano na 'teh? Anong meron? Bakit bigla kang natulala? Bakit halos lahat ng damit mo nasa kama na? Magtatanan na ba kayo ni Jao?" Napangiwi kaagad ako sa huli niyang sinabi, Umiling ako sa kanya at kinamot ang batok ko.


"Pwede ba, Pat! Wag kang manggulo! Ang aga aga e!" Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus niya ang kanyang braso.


"Hindi ako nanggugulo, FYI! Iyan!" Turo niya sa kama ko na punong puno ng mga damit ko, "'Yan ang magulo!" I bit my lip and groaned.


"Pwede ba, Pat. Hindi ka nakakatulong," Ani ko at sinapo ang aking noo, Tumagilid ang ulo niya para tingnan ako.


"Pwede din naman akong tumulong, Ano bang meron, ategirl? Bakit parang may giyera dito sa kwarto mo?" Umiwas kaagad ako ng tingin at tiningnan ang buong kwarto ko, He's right though. Parang dinaanan ng bagyo ang buong kwarto ko, Kung gaano kagulo ito ay ganun din kagulo ang nasa loob loob ko. I wanted to freak out dahil magaalas tres y media na ay wala pa rin akong maisusuot!


"Ofia!" Napatingin ako kay Pat, "Ano?" Sagot ko agad.


"May date ka ba?" Tanong niya at biglang nanlaki ang mata ko, I saw a smirk on the side of his lips at bigla siyang ngumisi.


When I Stop ChasingWhere stories live. Discover now