Chapter Fourteen

5.4K 127 3
                                    

Chapter Fourteen

Thank You


"Ano talagang meron sa inyo ni Callix?"


Seryoso ang muhka niya habang nakatingin sa akin, I looked into his eyes and regretted the moment our gaze met. Sobrang lalim ng tingin na binibigay niya sa akin, It was full of emotions that I can't even decipher any one emotion from it.


I was the one who broke the gaze and sighed heavily.


"Wala," I said non-chalantly.


Libo-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko habang sinasabi iyon. One word that can totally destroy me, Ang sakit. Nanunuyo ang lalamunan ko, Naninikip ang dibdib ko, I can feel the heat on my eyes kaya kumurap kurap ako. I don't want to let Jao see me in tears again, Never again wil I let him see me cry.


I'm too vulnerable. Sobrang hina ko na! All the walls that I have built years ago were already broken, dismantled and shattered into pieces! Kung gaano nadurog ang pader na iyon ay ganoon din napino ang puso ko. I feel like there was nothing left to me, Naubos na ako. Naubos na ako dahil pagibig, Ang tanga lang...


"Wala?" Rinig ko ang pagkagulo sa kanyang tono.


"As in wala talaga? 'Di ba lagi kayong magkasama?" I chewed the inside of my cheeks and tried to breathe normally pero naninikip talaga ang dibdib ko.Ang sakit.


"Well, We're just friends... you know..." I meaningfully said at nang tumingin ako kay Jao ay bakas na bakas na naguguluhan siya.


"Friends don't act like what you guys do," He said. I hold my chest trying to calm what's inside of it. Pakiramdam ko kahit anong oras nalang ay iiyak na ako.


"Well unfortunately, He thinks were just friends." Suminghap siya kaya napatingin ako sa kanya. Suot ko na ang jacket niya kaya siya ngayon ang nakayap sa sarili niya, He looked cold at dahil sa akin 'yun. Nilalamig siya dahil ibinigay niya ang kanyang jacket sa akin, parang gusto ko tuloy ibalik.


"So one-sided?" I bit my lip and nodded my head.


"What does it feels like?" Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong.


"What does it feels like? Huh?" Pabalik kong tanong at nagkamot siya ng batok niya.


"Anong pakiramdam ng magmahal ng isang tao hindi ka naman mahal?" I shut my eyes tightly at humilig sa upuan. Damn straight there, Jao.


"Masakit. Masakit kasi hindi niya kayang suklian yung kaya mong ibigay sa kanya, Masakit kasi kahit saang lugar mong tingnan, Wala talaga pero dahil tanga ka... you would hope for something... kahit wala. Alam mo naman na talo ka na agad una palang pero syempre magbabaka sakali kang—" Hindi ako natapos dahil siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko.


"Mamahalin ka rin niya?" Tumango ako sa kanya at inilagay ang kamay ko sa pocket ng jacket. Tiningnan ko si Jao.

When I Stop ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon