Chapter Twenty-Six

4.3K 83 1
                                    

Chapter Twenty-Six

Hopefully


"Ofia!" I jumped on my seat at tinanggal ang earphones na nakasaksak sa tainga ko, I shift my gaze from the screen of my computer to Tristan, My officemate na Illustrator din katulad ko.


"Yes?" I asked at ngumuso siya sa akin.


"Pinapatawag ka raw ni Sir Anderson," Sabi niya at tumalikod pagkatapos sabihin iyon. I sighed and closed my eyes, Tinanggal ko ang glasses na suot ko at inilapag iyon sa table. I glanced at my watch and found out 3 hours na pala akong nagdadrawing, Pero hindi pa rin ako tapos. Kakabigay lang sa akin ng project na 'to kahapon pero ngayon ko palang siya nasisimulan. I've been brain storming yesterday kung anong pupwedeng illustration sa libro na gagawan ko, Hindi naman masyadong mahirap magisip dahil binasa ko muna ang kwento kaya hindi ako nahirapan.


Planning are everything. Sa dalawang taon ko rito sa Publishing Company na 'to ay napakarami ko nang natutunan pagdating sa pag-iillustrate. Mahirap siya lalo na kung baguhan ko lang, I remember my struggle on my first days. Ang hirap makibagay at makisama sa mga bihasa na sa field na 'to.


Mentioning, Fresh Grad palang ako noon. It took me almost five months to be used on everything that goes around in this department. Mahirap pero kapag mahal mo talaga ang ginagawa mo, Wala lang iyon. The sweetest prize of this work is when you'll see your finished illustration, Kapag sobrang nagustuhan nung author ng libro ang ginawa mong illustration sa libro niya. Napaka-satisfying.


Ito ang tinutukoy ko noon pa man. Work and passion could be emerged into one. Your passion is your work and your work is your passion. Sobrang sarap magtrabaho, 'Yung tipong hindi ka nagtatrabaho para lang sa pera o sahod, Nagtatrabaho ka dahil mahal at gusto mo ang ginagawa mo kaya trabaho mo ito.


Hindi ako nahirapan makapasok sa Company na 'to dahil pagaari nila Callix 'to, Dumaan ako sa application and screening at tamang process at tinanggap nila ako agad. I don't know if Callix has something to do with it pero whatever! Atleast nagtatrabaho na ako rito and I'm one of their best illustrator kaya!


Iilang libro na rin ata dumaan sa kamay ko, Minsan stress talaga. Lalo na kapag hindi nagustuhan ng author 'yung ginawa mo o di kaya 'yung naisip mong idea, Minsan mapapatahimik ka nalang sa tabi pero syempre susundin mo 'yung gusto niya dahil story niya 'to eh! Let them decide on their own story atleast you have done your part.


I massaged my nose bridge as I get up on my feet, Umikot ang mata ko sa buong lugar. Lahat sila busy. Well, Anong bago? Lahat ng tao dito ay may hawak na project. Minsan may team minsan naman ay magisa ka lang gagawa nun. Lumabas na ako at pinindot ang button sa elevator. Ano na naman kaya kailangan ni Callix? Callix is the CEO of this Publishing Company, Kakapasa palang sa kanya ng posisyon na 'yon nung nakaraang taon palang. But he's doing well, Dumami lalo ang mga projects at pakulo. Mas fresh talaga ang mga ideas ng mga fresh graduates, Hindi naman agad pinabayaan ni Tito Fred si Callix, He guided Callix from the very start kaya hindi masyadong nahirapan si Callix. Ngayon, Si Callix na talaga ang nagiisang namamahala ng buong company. Bilib rin ako sa kanya dahil nakaya niya lahat ng 'to!


I step out of the lift at dire-diretsong naglakad kung saan ang opisina ni Callix, Occupied niya ang buong floor na ito pero may tatlong conference room na nandito kaya hindi masyadong malaki ang kwarto niya. Tumayo ang secretary niya nung natanaw ako, Ngumiti ito sa akin and I smiled back. May edad na ito dahil secretary pa 'to ng Daddy ni Callix at mapagkakatiwalaan talaga.

When I Stop ChasingWhere stories live. Discover now