Chapter Twenty-Nine

4.3K 65 2
                                    

Chapter Twenty-Nine

I Care


"Hindi ka natulog 'no?" Tanong ni Pat sa akin habang humihikab siya at kinakamot ang kanyang batok, Actually it's not a question, Nangaasar siya kaya inirapan ko siya. I combed my wet hair using my bare hands at umayos ng upo, I glanced at the wall clock and it's still 2:48.


Napasandal ako pabalik sa sofa at inihilig ko ang ulo ko, Callix told me he's going to fetch me at 3 am sharp kaya alas dos y media palang kanina ay nag gayak na ako. I'm super excited with this trip kahit sabihin pang may business meeting si Callix sa Baguio at sabit lang ako dito.


I don't care anyway, Ilang taon na rin akong hindi pa nakakabalik ng Baguio. Iniisip ko palang kung anong mga bagay na gagawin ko o namin ni Callix ay gusto ko na agad lumipad papunta do'n.


Tumingin ako kay Pat na nagse-cellphone at nakahilig sa hamba ng pintuan, Hindi ko talaga gets kung bakit kailangan pa niyang gumising din ng maaga para lang isarado ang pinto pagkaalis ko. Sometimes, Pat is too paranoid to everything kahit kakaunting kalabog lang ay nagaalala na siya agad. I stood up at lumapit sa kanya, He's browsing Facebook.


"Hey." Lumingon kaagad siya sa akin, I can vividly see how sleepy his eyes is. Ano ba talagang trip neto?


"You know, pwede ka naman umakyat sa taas at matulog nakakahiya kasi sa eyebags mo na triple deck na! Yuck! C'mon, Kaya ko naman ilock 'tong bahay e." He shooked his head and crossed his arms on his chest.


"Ofia, you don't get it..." He trailed off that caused me to creased my forehead at him.


"I don't get what?" Nagtataka kong tanong, He rolled his eyes at me.


"Hindi lang naman paglalock ang inaalala ko e, Syempre ikaw! I just want to make sure that you're in good hands at pagsasabihan ko si Callix na ingatan ka niya." Bigla akong napangiti sa sinabi niya, I wrapped my arms around him.


"Aww, you're so sweet!" Bigla niyang kinalas ang pagkakayap ko sa kanya and he even made face on me.


"Kadiri ka, beh! Kung makayakap wagas!" Umismid ako sa kanya at inirapan siya, Arte!


"Arte mo!" Ani ko habang bumabalik sa sofa, Umayos siya ng tayo at pinaglalaruan ang kanyang cellphone sa kanan niyang kamay.


"Pero seriously speaking, Magingat ka. Kahit matagal na nating kilala 'yang si Callix, Lalaki pa rin 'yan..." Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.


"Bakit? Lalaki ka rin naman ah?" He groaned and pulled his hair, Arte niya talaga ever!


"You don't get it!" Ngumuso ako sa kanya at bahagyang tumawa.


"Gets ko," Sabi ko sa kanya at tumango na siya at umupo sa tabi ko.


I really appreciate his sweetness, After all he's my bestfriend. Kapatid na ang turingan naming dalawa. Hindi man siya straight or whatnots, He's still my friend. Isa siya sa mga iilang nakakaintindi kay Ofiana Margo. Isa rin siya sa iilang taong kaya akong tiisin, Ang ugali ko and my bratness. He's Patrick and I love him, Kahit ano pa siya.

When I Stop ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon