Chapter 28

4.6K 76 16
                                    

KATHRYN

"DON'T tell me nanainiwala ka sa nanay mo?" Si Bea. "C'mon, Kath... Alam mong hindi kayang gawin ni DJ 'yon. Hindi ko alam kung saan nakuha ng nanay mo ang mga pictures na yan... O kung anong dahilan at may ganyang pictures si DJ at ang babaeng yon..." Si Julia B. ang tinutukoy nito, "Pero sigurado ako na hindi yun yon! Kung ano man ang nangyari... Siguradong may dahilan. Imposibleng gawin ni DJ ang ibinibintang sa kanya ng nanay mo. And for all we know, baka photoshopped pictures lang yan."

Kakaalis lang ni Min. Ipinakita nito kay Kath ang mga pictures na magkasama sila DJ at Julia B..

Nakaupo lang si Kath sa kama at nakatitig sa envelope sa harapan niya na iniwan ng ina.

Napailing si Bea. Gusto niyang kuhanin ang envelope sa itapon iyon sa basurahan, kahit saan, basta maalis lang yon sa paningin ni Kath.

"Kath... Kilala mo si DJ." Pabuntong-hiningang wika ni Bea. "Alam mo kung gaano ka niya kamahal. 'Namatay at nabuhay' nga siyang muli na hindi kumupas ang pagmamahal niya sa yo. Ano ba? Ngayon pa ba siya gagawa ng bagay na ikakasira ng pinaghirapan niyong buuin ulit na relasyon? Magkaka-baby na kayo."

Kumilos si Kath at hinagip ang bolster sa may gilid ng kama. Niyakap niya iyon. She felt cold. Hindi sa temperatura sa silid. Nanggagaling sa kaloob-looban niya ang lamig na gumagapang sa buong katawan niya.

"Kath," untag ni Bea nang hindi pa rin umiimik ang kausap. "Say something, please..."

Noon lang nagtunghay ng tingin si Kath. Nilingon nito ang kasama sa silid na nakasandal sa may pasimano ng bintana. Naguulap ang paningin niya.

"Iwan mo muna ako, Bea." Nakikiusap ang mahinang tinig na lumabas sa bibig niya. Hindi niya gustong umiyak sa harapan nito. Hindi niya gustong magaalala ito.

Hindi naman nakaila kay Bea ang pamimintana ng mga luha sa mga mata ng kausap. Nadagdagan ang nararamdaman niyang galit para sa ina nito. Paanong nagawa ni Min ang ganon? Bakit tila gustong sirain ng ina ni Kath ang relasyon ng anak at ni DJ? Isa pa ay maselan ang kalagayan ng anak nito. Hindi ba naisip ng babaeng yon na maaaring makasama kay Kath ang ginawa nito?

"He loves you." Ani Bea at kumilos mula sa puwesto niya, bago lumakad patungo sa may pinto. "Sa hinaba-haba ng pinagdaanan niyo...Dapat alam mo yon, Kath. Sapat nang dahilan yon para magtiwala ka sa kanya." Iyon ang iniwan nitong mga salita bago tuluyang lumabas ng silid.

Nang maiwang magisa ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Kath. Humiga siyang patagilid sa kama na yakap pa rin a bolster.

"Hindi kumupas ang pagmamahal niya sa yo..." Parang naririnig pa niyang sabi ni Bea kanina.

Malungkot ang ngiting pinahid niya ang mga luha. Ang sarap ulit-ulitin sa pandinig ang mga salitang yon. Nababawasan ang panlalamig na nararamdaman niya.

_________________________________________

"HINDI niyo na dapat pinapasok ang nanay ni Kath." Hindi gustong manisi ni Bea, pero sino pa bang sisihin niya kung di ang yaya ni Kath. "Alam niyo na palang may intensyon siyang masama sa pagpunta dito."

Napakamot sa ulo si yaya Melay. Natawagan na siya ng ama ni Kath bago pa man dumating doon si Min at sinabi ang pakay ng asawa sa pagtungo doon. Pero ano bang magagawa niya? Wala naman siyang karapatang pigilan ang ina ng alaga kung gusto nitong kausapin ang anak.

"Kapag may nangyaring masama kay Kath... Pare-pareho tayong manangot kay DJ." Iling ni Bea at nilingon ang nakapinid na pinto ng masters bedroom. "Dito lang kayo at bantayan niyo si Kath. Kailangan kong tawagan si DJ."

Naiwang namumutla si yaya Melay. Nagaalala siya para sa alaga. Humakbang siya palapit sa masters bedroom at idinikit ang taenga sa may pinto. Pinakiramdaman kung anong nangyayari sa loob.

"Ay kabayooooo!" Muntik nang mapasubsob ito nang biglang bumukas ang pinto. "Kath!"

"Help me pack my things 'ya..."

__________________________________________________

AN: Nainip ba kayo? Sooooooory pooooo.... :)))

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon