Chapter 19

9.3K 171 54
                                    

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

NATIGILAN si Kath nang pagbukas niya ng pinto ng silid ay makitang nakaupo sa sahig si DJ habang nakasandal sa ding-ding ng pasilyo. Tulog ba ito? Nakapikit habang nakapatong ang isang braso sa tuhod. Sa tabi nito ay naroon ang bouquet ng white tulips na nakita niyang dala nito kaninang hapon nang buksan nito ang pinto at batuhin niya ng sapatos.

Napaingos siya, sabay tingin sa mga gamit nito na nakakalat sa paligid. Nagpapaawa lang siguro ito. Anong akala nito? Maaawa siya dito kapag nakita niyang  natutulog sa sahig? Manigas ito!

Nilampasan niya ito. Malapit na siya sa dulo ng pasilyo nang huminto siya sa paghakbang at lingunin ito. Tsk… Bumuwelta siya pabalik at dinampot ang bouquet sa sahig. Sayang!

Bumaba siya at inutusan si aling Estella na ilagay sa vase ang mga bulaklak. “Maghanda na din po kayo ng dinner. Baka gutom na si DJ.” Aniya bago lumabas ng bahay.

Naiwang nangingiti si aling Estella. Matapos ipaghagisan ang mga gamit ng asawa ay nagpapahanda ng hapunan para dito, saloob-loob ng may edad na babae.

Sa kuwadra dumiretso si Kath. She wanted to see Fire. Hindi pa siya nakakapagpasalamat dito. Hindi niya alam kung anong ginawa ng kabayo, pero hindi talaga siya nasaktan nang mahulog siya mula sa likod nito. Kung paano siya natagpuan ni DJ ay hindi niya alam. Atsaka na niya itatanong sa asawa iyon, kapag humupa na ang inis niya dito.

Pinuntahan niya sa koral nito si Fire. Dumampot siya ng carrot sa lalagyan nito ng pagkain para ipakain dito. Pero hindi pa niya naipapasok ang kamay sa koral ay nagwala na ang stallion. Nagdadamba ito. Napaurong siya. Anong nangyayari dito?

“Ma’am Kath!” Si Arnel, ang stable boy na humahangos na lumapit sa kanya. “Anong binabalak niyo? Hindi kayo puwedeng sumakay kay Fire. Malilintikan ako kay boss.” Si DJ ang tinatawag nitong 'boss'.

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon