Chapter 29

4.5K 84 14
                                    

DANIEL

"RELAX... Will you?" Si Kiko na nahihilo sa kakaikot ni DJ sa harapan niya. "Parating na si Mr. Sy. Mas maaga nating maisasara ang deal... Mas mabilis kang makakauwi kay Kath."

"I shouldn't be here. Hindi ako dapat umalis."

"Nandito ka na. Do what you have to do and quit blaming yourself. Kung ano man ang hindi mo nasabi kay Kath bago ka umalis... Puwede mo namang sabihin yon pagbalik mo."

Nagsalubong ang kilay ni DJ, "Anong alam mo? Paano mo nalamang..."

"Hindi ka makontak ni Bea kanina. Ako ang tinawagan niya." Kibit-balikat ni Kiko.

Naningkit ang mga mata ni DJ. Mas lalo lang siyang nagaalala. Bakit tumawag si Bea. Anong sinabi nito kay Kiko? May alam na ba si Kath?

"Anong sabi niya?" Kinakabahang tanong niya.

"She said that you need to call her as soon as we're done with the meeting. May kailangan daw kayong pagusapan."

"Ano pa?"

"Yun lang... I assumed it has something to do with Kath. Kung pagbabasehan ang ikinikilos mo ngayon... Mukhang may naiwan kang gusot."

Napatiim-bagang si DJ. Gusot na kailangan niyang plantsahin sa lalong madaling panahon.

Kung hindi lang niya alam na sa mga sandaling iyon ay patungo na sa hacienda si Barbie para kausapin si Kath ay baka kanina pa siya tumakbo sa airport at sumakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Pero tama si Kiko... Nandito na siya, at hindi kailangang masyang ang ipinunta niya doon. Kailangan lang niyang magtiwala na walang gagawing kahit ano si Julia B. ngayong wala siya at kailangan niyang manalig na mauunahan ni Barbie ang luka-lukang babaeng yon bago pa may gawin ito na ikakasira nila ni Kath.

"What are you doing?" Tanong ni Kiko nang makitang nagda-dial sa celphone ang kaharap.

"I'm calling my wife..."

"I think you better do that later..." Nakatingin sa entrance door ng resto si Kiko.

"What?"

"He's here..." Tumayo na si Kiko, "Mr. Sy!"

_____________________________________________

"SHIT!" Napukpok ni Barbie ang manibela nang umingit ang gulong ng sasakyan matapos niyang malubak sa makapal na putik sa daan.

"Double shit!" Muling mura nito nang dumungaw sa bintana at silipin ang lagay ng gulong niya.

Sa lalim ng putik ay hindi niya madaling maiaahon iyon. Ngayon pa namang nagmamadali siya.

"Huh!" Napaangat ang puwet niya sa upuan nang makarinig ng ugong ng parating na sasakyan. "Just my lucky day..." Sumilay ang ngiti sa mga labi ng supermodel. "A saviour!"

_____________________________________________

MALUWANG ang ngiti na nagpasalamat si Julia B. sa receptionist ng hotel matapos makuha ang room number ni DJ.

"Magiging akin ka rin..." Anito sa larawan ng lalaki sa hawak niyang celphone, bago sumakay sa bumukas na elevator.

_____________________________________________

"KATH! Huwag mong gawin 'to!" Kinakatok ni Bea ang bintana ng kotse. "Hintayin mo muna si DJ, please... Hayaan mo siyang magpaliwanag! Kaaaaath!!!"

Napatalon ang dalaga nang sumibad na palayo ang kotse. Grabe lang... Muntik pa siyang masagiran niyon.

"Ano bang nangyayari dito?"

"Tata Carding!" Napatakbo palapit sa matandang lalaki si Bea. "Ihatid niyo ako sa bahay hacienda! Now na!"

_____________________________________________

KATHRYN

"SIGURADO ka ba sa ginagawa mo, Kath?" Kinakabahang tanong ni yaya Melay sa alaga. "Unang-una ay hindi ka dapat nagda-drive. Palangalawa ay hindi yata tama na basta ka na lang aalis na hindi hinihingi ang paliwanag ng asawa mo. Pangatlo..."

"Pakikuha ho ang celphone ko sa bag." Kalmanteng putol ni Kath sa litanya ng yaya.

"Ha?"

"Pakitawagan si mommy. Pakisabing pauwi ako sa mansion."

Napalatak si yaya Melay. Ilang sandali pang nakatitig lang sa alaga ito, na diretso ang tingin sa daan, bago sinunod ang utos nito.

_____________________________________

AN: Alam ko namang nabitin kayo. :D

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Where stories live. Discover now