Chapter 14 - Part 1

8.6K 141 21
                                    

 KATHRYN

 

 

 

 

 

“I LOVE YOU…”

 

 

 

 

 

Ang sarap pakinggan, galing kay DJ ang  mga salitang yon. Parang idinuduyan siya sa kaligayahan. Hindi na niya gustong magising.

Nakangiting isiniksik niya ang katawan dito. Giniginaw siya. Sa labas ay  naririnig niya ang malakas na patak ng ulan. Pumapasok ang malakas na hangin mula sa nakabukas na bintana.

“I love you, Kath…” Bulong nito sa ulunan niya.

 

 

 

 

 

“I love you, DJ…” Sagot niya sa asawa. 

Humigpit ang yakap sa kanya nito. Kontentong nagpakulong siya sa mga bisig nito. Bukas, paggising niya ay maalala sana niya ang panaginip na yon.

“Don’t leave me, sweetheart… I love you.”

Nagkaguhit ang noo niya sa narinig. Anong sabi nito? Saan naman siya pupunta?

“I can’t live without you…” His voice broke, “Mahal na mahal kita…” He was crying. Umaalog ang katawan nito sa pagiyak.

Pahigpit nang pahigpit ang yakap sa kanya nito. Nahihirapan na siyang huminga. “DJ…” She was struggling to open her eyes… to wake up.

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon