Chapter 18

8.3K 148 44
                                    

DANIEL

KUNG hindi pa niya naramdaman ang ambon ay hindi pa siya titinag sa pagkakaupo sa damuhan. Tumingala siya. Sinalo ng mukha ang mga pinong patak ng ulan. Parang umiiyak ang langit… Nakikidalamhati sa nararamdaman niya.

Malungkot ang ngiting nagbaba siya ng tingin. Baby DJ… Iyon ang nakaukit sa stone marker sa harapan niya. Isinunod ni Kath sa palayaw niya ang pangalan ng anak nila.

Kanina pa siya doon, pero ni isang salita sa isip ay wala siyang mabigkas sa harap ng puntod ng anak nila ni Kath. Sapat ba na humingi siya ng tawad? Parang kulang ang mga salita.

Palakas nang palakas ang patak ng ulan… Pabigat nang pabigat ang dibdib niya. Kulang ang buong buhay para bumawi siya kay Kath, pero kailangan niyang subukan. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. May habang-buhay pa sila para patunayan niya kay Kath ang pagmamahal niya.

____________________________________________________

“STOP crying…”

Pumiksi si Bea nang yakapin siya ni Kiko. “Hindi mo alam kung anong nararmdaman ko! I feel cheated!” At bumanat na naman ng hagulgol ito.

Napakamot sa batok si Kiko. Nakakahiya ito. Parang baka kung makaiyak. Pinagtitinginan na sila ng ibang pasyente sa clinic.

“Gagawa na lang ulit tayo ng bagong baby.” Bulong niya dito at inakbayan ito.

Lalong lumakas ang iyak ni Bea. Gagawa ng bago?! Ano siya? Baby Factory?!!!

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon