Chapter 31

11.2K 257 234
                                    

KATHRYN

"ABA! Ay ba't gising ka pa? Hatinggabi na ah..." Si yaya Melay. Sumilip ito sa silid ng alaga at inabutang naghahalungkat sa bag si Kath.

"Ang celphone ko 'ya?" Wala sa bag niya ang celphone. Kanina pa niya hinahanap iyon.

"Ha? Nako! Baka naiwan ko sa kotse kanina. Sandali at kukuhanin ko."

Nang makalabas si yaya Melay ay bumalik sa kama si Kath. Naninibago siya sa silid. Kahit anong pikit ang gawin niya ay hindi siya makatulog. Namimiss niya ang kama nila ni DJ sa bahay hacienda.

Nakaramdam na naman siya ng pamamasa ng mga mata. Buwisit na lalaking yon! Hindi man lang tumawag sa kanya. Kung hindi siya ma-contact sa celphone ay pwede naman siyang tawagan sa landline. Ahhhh! Kailangan nitong magpaliwanag... Mahabang paliwanag!

Napakadali lang paniwalaan ang mga pictures na ipinakita ng ina sa kanya. Pero hindi kayang tanggapin ng puso at isip niya na kayang gawin ni DJ iyon. Kung ano man ang nangyari at may ganong pictures ang asawa at ang malanding si Julia B. ay sigurado siyang may dahilan. Iyon ang kailangang ipaliwanag ng magaling na asawa sa kanya.

Pinunasan niya ang pumatak na luha sa pisngi nang maramdamang may parating. Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang katok sa pinto ng silid at kasunod ang pagbukas niyon at pagpasok ng ina.

"Dinalhan kita ng gatas." Ani Min na iniabot sa kanya ang baso. "Mabuti sa 'yo ang gatas."

Nagpasalamat lang siya at ipinatong sa side table ang baso. Wala siyang ganang uminom ng gatas. Hindi nga halos niya nagalaw ang hapunang iniakyat ni yaya Melay kanina.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi siya sumagot. Gusto niyang tanungin ito... Paano nito nagagawa sa kanya iyon... Sa kanila ni DJ? Sigurado siyang nagbayad pa ito ng private investigator para lang sundan ang asawa niya. Ganon na ba ito kadesperada na sirain ang pagsasama nila ni DJ?

Hinila niya ang kumot. Muli ay nakaramdam siya ng panlalamig. She knew what it was. Fear.

Hindi man tama, pero natatakot siya sa sariling ina. Ang pagsugod nito sa hacienda at ang walang pakundangang pagpapakita nito ng mga pictures ni DJ kasama ang babaeng yon... Hindi man lang ba naisip nito ang kalagayan niya? Alam nito na maselan ang pagdadalang-tao niya hindi ba? Hanggang saan ang kayang gawin nito para mailayo siya kay DJ?

"Kath, anak," Umupo si Min sa gilid ng kama. "You know why I'm doing this, right?"

Napilitan siyang tumango. Hindi makakabuting kontrahin niya ito ngayon. Baka kung ano pang gawin nito. Bumalik siya doon sa mansion para mapakalma ito. Hindi man niya gustong umalis ng hacienda na walang pasabi kay DJ ay kailangan niyang gawin iyon. Natatakot siya sa sariling ina. Natatakot siya sa maaari pa nitong gawin para lang iwan niya ang asawa.

"Gusto ko lang naman na mapabuti ka. Kayo ng magiging apo ko."

"Gusto ko na pong matulog." Aniyang humiga na patalikod dito. Gusto na niyang umalis ito.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago ang paggalaw ng kama, tanda na tumayo na ito.

"Goodnight..."

Hindi na siya umimik hanggang makalabas ito ng silid. Hinimas niya ang tiyan at malungkot na ngumiti. Hindi lang si DJ ang nami-miss niya... Maging ang ina... Iyong dating ito.

"Eto na, Kath..." Si yaya Melay na hindi niya namalayang nakabalik na sa silid.

Napabalikwas siya ng bangon. "Akin na 'ya!"

Nagtatakang iniabot dito ni yaya Melay ang celphone na halos pahablot nitong kinuha. "Ano bang nangyayari sa yong bata ka?"

Pero hindi na siya sinagot ng alaga dahil nagmamadaling bumaba ng kama ito at lumakad patungo sa banyo.

"Ay sus! Magdahan-dahan ka nga at baka kung mapaano ka."

Nagsara na si Kath ng pinto ng banyo. Napailing na lang si yaya Melay.

_________________________________________

DANIEL

NAALIMPUNGATAN si DJ nang maramdamang may gumagalaw sa bulsa ng maong niya.

Napatayo siya mula sa pagkakasandal na paupo sa puno. Fuck! Nagba-vibrate ang celphone niya sa bulsa at ngayon lang niya namalayan dahil napaidlip siya sa sobrang pagod.

"Hello!"

"DJ..."

Parang may tumadyak sa sikmura niya nang marinig ang pamilyar na tinig.

"Sweetheart..." Parang may holen na nakabara sa lalamunan niya. God, he wanted to cry.

___________________________________________

AN: Bukas na lang po ang kasunod. :PPP

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon