Chapter 25 - part 2

6.9K 115 18
                                    

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

NABITIWAN ni Kath ang hawak na lingerie nang biglang bumukas ang pinto ng walk-in closet. “Hah! Bat ka pumasok?!” Sabay punas ng luhaang mata.

Nagsasalubong ang mga kilay ni DJ habang nakatingin sa manipis na pulang tela sa sahig sa paanan ng asawa. “Ano yan?”

 

 

 

 

 

Nanglaki ang mga mata ni Kath at sinipa ang lingerie palayo, “Wala!”

Sa paanan ni DJ lumanding ang manipis at pulang-pulang tela. Yumuko ito…

“Wag mong hawakan yan!” Aawatin sana ni Kath ito pero huli na… Nadampot na nito ang lingerie. Napakagat-labi na lang siya.

“Woah!” Halos lumuwa ang mga mata ni DJ nang makita kung ‘ano’ ang manipis na telang iyon. “Don’t tell me isusuot mo ‘to ngayon?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

Hindi makasagot si Kath. Gusto ulit niyang umiyak. Nahihiya siya. Kung bakit kasi pumasok agad ito doon eh hindi pa niya naitatago ang lingerie na isinukat niya kanina. Lalo na siguro siyang nahiya kung pumasok ito na suot pa niya iyon. Hindi niya talaga kaya… Masyadong sexy iyon. Napi-pressure lang naman siyang isuot iyon dahil gusto niyang mapasaya ito.

“Sweetheart?” Nabahala si DJ nang makitang nangingislap sa luha ang mga mata ng asawa. “Umiiyak ka nga!” Bulalas nito na noon lang napunang namamaga na ang mga mata nito pagiyak. “Anong nangyari?”

 

 

 

 

 

Isinubsob ni Kath ang mukha sa dibdib nito nang yakapin siya nito. Hindi siya makapagsalita. Napu-frustrate siya na hindi niya maintindihan. Basta!

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon