Chapter 15

8.8K 130 32
                                    

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

“DJ?” Naalimpungatan si Kath nang maramdamang wala sa tabi niya ang asawa.

Bumangon siya. Humulagpos ang kumot na nakabalot sa katawan niya. She shivered.  Malamig ang silid dahil sa aircon at wala siyang suot na kahit ano. Hinila niya ang kumot at ibinalabal sa katawan niya, bago bumaba ng kama. Nasaan si DJ?

Kumuha siya ng shirt sa closet. Kay DJ ang kamisetang nakuha niya. Mabilis na isinuot niya iyon at hinanap ang asawa. She found him on the rooftop. Minsan nang nabanggit nito na iyon ang paborito nitong lugar sa penthouse. Nakatayo lang ito doon at nakatanaw sa mga nagkikislapang ilaw sa buong siyudad.

“DJ,”

 

 

 

 

 

Lumingon sa kanya ito nang tawagin niya. A frown creased his forehead nang makita ang suot niya, bago unti-unting nagkaguhit ang ngiti sa mga labi nito. “Come here…” anito na nakalahad ang isang kamay sa kanya.

He drew her into his arms. Hinalikan siya sa ulo atsaka itinaas ng isang daliri ang baba niya at ginawaran siya ng halik sa labi. “Bagay sa yo ang shirt ko… It looks sexy on you.” Bulong nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.

Ilang minuto pang tumagal ang halik nito na tinugon naman niya ng buong init. Pinangangapusan na siya ng hininga ng pakawalan nito ang mga labi niya. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito habang nakayakap sa beywang nito. “Bakit narito ka?” Tanong niyang bahagyang tiningala ito.

“Nagpapahangin lang,” sagot nito. Niluwagan nito ang yakap sa kanya at kinalas ang mga braso niya sa beywang  nito, bago ipinosisyon siya patalikod, pasandal sa dibdib nito habang nakayakap sa likuran niya ito. Their hands met on her chest. “Look at those lights… Aren’t they beautiful?”

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon