Chapter 1

58.1K 303 39
                                    

A/N : So near, yet so far...

________________________________________________________

Paris, France

KATHRYN

SHE loved Paris, its beauty and its history. Isang taon. Napakabilis lumipas ng panahon. In two weeks time ay pabalik na siya sa Pilipinas. She would stay there forever kung wala siyang babalikang pamilya at karera sa PIlipinas.

"I know of a place in Venice where they serve the best coffee..."

"And?" Inaasahan na ni Kathryn ang susunod na sasabihin ni Kiko.

They were at the Louvre, sa isang pamosong café na ang glass wall ay nakatanaw sa glass pyramid na nagsisilbing entrance sa museum kung saan matatagpuan ang Mona Lisa ni Leonardo da Vinci.

"Join me this weekend. Let's have coffee in Venice. Sunday?" Kiko's smile was so charming that she couldn't help but smile back.

"Para sa kape? You'll take me to Venice for a cup of coffee. I know you're rich, pero hindi mo naman kailangang gumastos para sa isang tasa lamang ng kape."

"Other women would be delighted... It's romantic." Tila totoong nadismaya ang binata sa reaksyon niya.

She felt a little guilty. Walang dahilan para maging rude siya dito. Napakabuti nito. Wala siyang maipipintas sa binata.

"Hindi ako tulad ng ibang babae. Pero sige, I'll go with you." Hindi niya gustong ipahiya ito nang tuluyan. "But I'll pay for my coffee. Kailangan ko rin umuwi the same day. Morgy would throw a fit kapag wala ako sa sarili kong send-off party."

Ang ngiti na gumuhit sa mga labi ng binata dahil sa pagpayag niya ay biglang nawala nang marinig ang huling sinabi niya. "Send-off party?"

Tumango siya, "Tapos na ang kontrata ko sa Elle." Ang fashion brand ni Morgy ang tinutukoy niya. "I'm going back to Manila." Magkahalong excitement at lungkot ang nararamdaman niya sa tuwing maiisip na uuwi na siya at iiwan na niya ang Paris.

Naging mabuti sa kanya ang siyudad na iyon. Naturuan siya ng maraming bagay tungkol sa karera niya at binigyan siya ng panibagong sigla sa buhay. Higit sa lahat, pakiramdam niya ay pinalaya siya ng lugar na iyon sa ala-ala ng kahapon.

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon