chapter 28

6.4K 159 1
                                    

"Bettina para daw sayo" nilingon ko si kendra isa sa mga katrabaho at naging kaibigan ko dito sa restaurant na pinapasukan ko bilang cashier.

"Kanino ba kase talaga galing to? " ilang linggo narin kasi akong nakakatanggap ng bulaklak o di kaya chocolates.

"Isa sa mga costumer natin, mukhang natipuhan ka ayyiie! " napailing nalang ako inayos ko ang mga resibo.

"Oh sya maiwan na muna kita" umalis naman sya agad.Pasara na ang resto kaya inayos ko na ang gamit ko, napatingin ako sa oras 9:30 na ng Gabi.

"Kuya Sam mauna na ho ako! " Paalam ko sa dishwasher.

"Oh sige mag iingat ka" ngumiti ako at tuluyan ng lumabas. Naglakad lakad na muna ako sa dalampasigan na katapat ng resto. Maraming Tao sabagay malapit na ang pasko, bigla ko naman syang naalala, kamusta na kaya sya? Isang buwan na ang nakalipas mula nong nagkita kami sa bahay ni bryan, wala na akong naging balita sa kanya. Pinuntahan ko ang bahay nya pero matagal na daw syang hindi umuuwi, iyak ako ng iyak non tuluyan na syang lumayo sakin. Pumikit ako dinama ang hangin na dumadampi sa balat ko, hanggang ngayon ramdam ko paren ang sakit ng paglayo nya.

"Jasper!we need to go! " napadilat ako

"Jasper! " nagpalinga linga hanggang sa matanaw ko ang lalaking pasakay ng kotse.

"Jasper" sambit ko hindi ako pwedeng magkamali sya yun! pero bago ko pa maabutan, nakaalis na ang kotseng sinakyan nya tumigil ako tinanaw ko ang sasakyan na unti unting nawala sa paningin ko.

"Jasper" kasabay ng pagpatak ng luha ko.




Thanks sa mga nagbabasa. :)



Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon