chapter 24

7.2K 172 1
                                    

BETTINA

"bettina! " nilingon ko si Carlo na papalapit sakin.

"May dala ako! " inabot nya sakin ang isang paper bag ngumiti ako sa kanya.

"Hindi kana sana nag abala pa" umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Hindi ka abala OK" ngumiti ako. Mula nong umalis akosa hospital, hindi na sya umalis sa tabi ko. Naalala ko si Jasper, kamusta na kaya sya? Hindi na kase ako pinayagan ni sharmaine na bumalik sa kanya. Hinanapan naman ako ni Carlo ng apartment, tinanong ko sila kung dinalaw ako ni Jasper sa panahong wala ako sa matinong pag iisip pero hindi daw, nasaktan ako non ng sobra wala nga syang pakialam sa akin.

"Oh bat nalungkot kana dyan? "

"Wala,halika na sa loob mag meryenda tayo" hindi ko na hinintay ang sagot nya pumasok na ako sa loob.



"Mukhang mahal dito Carlo"komento ko habang nakakapit sa braso nya papasok sa isang mamahaling restaurant.

"OK lang " pagkaupo namin agad nyang tinawag ang waiter at umorder nang makaalis hinawakan nya ang kamay ko.

"Wag kang kabahan" tumango lang ako dina sya nagsalita pa hanggang dumating ang mga inorder nya.

"Sya nga pala pupunta tayo ng mall bibili tayo ng cellphone mo para may kontak tayo sa isat isa" tumingin ako sa kanya.

"Ayoko,Hindi mo naman ako kailangan bilhan ng mga ganung bagay. " tumingin din sya sakin.

"Gusto ko itong ginagawa ko sayo saka nanliligaw ako at gusto kong regaluhan ka" yumuko ako.

"Pero Carlo alam mo naman ang pinagdaanan ko diba" napatigil sya sa pagkain,hinawakan nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"Alam ko, please bettina bigyan mo ko ng chance na patunayan sayo na mahal kita" hindi ako sumagot ayoko syang paasahin.

" maghihintay ako" mabait sya oo pero wala akong kakaibang maramdaman sa kanya, tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain. Nang may lumapit samin na babae.

"Carlo? " napatingin kami sa nagsalita isang magandang babae.

"Shaina ikaw pala! " nakatingin lang ako sa kanila.

"Oh by the way bettina si Shaina nga pala friend ko and Shaina si bettina nililigawan ko" pagpapakilala nya samin tumango lang sya ni hindi man lang ngumiti.

"Carlo sa restroom muna ako" paalam ko.

"Samahan na kita"

"Wag na kaya ko naman"diko na hinintay ang sagot nya tumalikod na ako.






Sinuklay ko ang buhok ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako nagbuga ako ng hangin saka tuluyang lumabas. Naglalakad na ako ng may mapansin akong lalaki sa may mga nakadisplay na paso malapit sa dingding may kausap sya sa cellphone. Natigilan ako ang likod nya, ang tindig nya kilalang kilala ko pero bakit may benda sa kaliwanh braso nya? Lumapit pa ako para makasiguro.

"I think ok na talaga sya" dinig ko.

"Ok sige punpuntahan nalang kita" binaba na nya ang cellphone.

"Jasper" sambit tila nagulat sya. Unti unti syang humarap sakin.

Tinitigan nya lang ako pagkatapos ay naglakad na sya.

"Jasper sandali! "

"Malaya kana bettina wag kanang lumapit sakin at hindi na kita kailangan! " deretsa nya. Bumitaw ako sa braso nya, di ako makapagsalita tuluyan na nya akong nilampasan. Di na kita kailangan masakit parang nag eecho.

"Bettina! " tawag ni Carlo pasimple kong pinunasan ang luha ko.

"Are you ok? "

"Oo " hinawakan nya ang mukha ko.

"Umiyak kaba? " tinanggal ko ang kamay nya.

"Hindi napuwing lang ako, tara na"nauna na akong naglakad hindi na sya nagtanong pa.










Thanks sa mga nagbabasa :)













Stay With Me Where stories live. Discover now