Chapter 6

8.1K 230 3
                                    



"Oh mabuti naman at pinayagan ka non" bungad ni sharmaine kakarating lang namin sa mall ipapasyal nya daw ako ang tagal ko ng ding hindi nakapunta dito ang daming nagbago habang naglalakad pinagmamasdan ko ang bawat magagarang gamit na bago sa paningin ko.

"Oo nga" tanging sagot ko.

"Baka naman may kapalit kaya pinayagan ka?" Natigilan ako sa sinabe nya tama ito may kapalit kaya nandito ako ngayon pilit ang ngiti ang pinakita ko sa kanya.

"Wag na nga natin syang pag usapan ipapasyal mo ko diba?"

"Oo pero bago yun manoud muna tayo may magandang movie ngayon"
Agad nya akong hinila at pumila para makabili ng ticket.

Habang nanonoud kami nakalimutan ko ang lungkot wala kaming ibang ginawa sa loob ng sinehan kundi ang tumawa na halos maihi na kami.

"Ang ganda non sharmaine" bigkas ko habang papalabas na kami ng sinehan



"Sobra hahaha halika kumain na tayo" napansin ko papadilim na sa labas

"Anong oras na ba?" Hanggang alas kwatro lang kase ang sinabe nya at kailangan ko ng umuwi.


"Alas tres,bakit inorasan ka ba nya?" Salubong ang kilay nito alam kung magagalit sya sa sinabe ko pero ayoko namang magalit ulit sakin si Jasper.


"Ahh kase-" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag mula sa likuran ko.

"Bettina!" Tawag ng lalaki sabay kaming napalingon ni Sharmaine

"Carlo" sambit ko tumingin sakin si sharmaine tingin na nagtatanong ngumiti ako sa kanya at pinakilala ang dalawa.

"Ahm Carlo si Sharmaine bestfriend ko Shar si Carlo"
Pagpapakilala ko nagshakehand sila tumingin sa gawi ko si Carlo pagkabitaw ng kamay nito kay Sharmaine.

"San ang lakad nyo?" Tanong nito tumingin muna ako kay Sharmaine pero hindi ito sumagot.

"Kakain sana"

"Sabay nalang kaya tayo kakain din sana ako kaso walang kasama hehe" kinamot nito ang ulo saka mahinang tumawa.

"Kayo nalang kailangan ko na kasing umuwi" tumingin si Sharmaine sakin nakasimangot na ito halatang ayaw akong pauwiin.

"Bettina naman ngayon na nga lang ulit tayo sasabay na kakain ayaw mo pa "


"Oo nga Bettina saka don't worry ihahatid nalang kita" ngumiti ito lumabas ang dimples sa kanilang pisngi.


"Sige na nga " pagpayag ko iba kase pag nagtampo si sharmaine. Pero paano kapag nagalit na nàman si Jasper? Paano kung saktan na naman nya ako? Pero ayoko din namang matapos agad ito gusto ko pang makasama ang kaibigan ko kahit ngayon lang,bahala na kung anong mangyayare mamaya.

Nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant nahihiyang umupo ako katabi ng upuan ni Sharmaine habang nasa harap namin si Carlo na tumitingin sa menu.

"Mahal ata dito" pukaw ko sa kanilang dalawa.

"Libre kita"

"Ako din" nahihiyang ngumiti ako sa dalawa. Ni minsan hindi ko naranasang kumain sa ganitong mamahaling restaurant nagpasalamat ako sa kanilang dalawa magana kaming kumain habang nagkukwentuhan.




__

"Bakit ngayon ka Lang?"
Napaigtad ako ng magsalita sya madilim sa sala at diko sya napansin ang kusina lang kase ang may ilaw at hindi yun nabigyan ng liwanag ang kinaroroonan nito.


"Diko kase namalayan ang oras napasarap kase ang kwentuhan namin"
Napansin kong may bote na naman ng alak sa harap nito.


"Kwentuhan? O baka naman landian?" nilagok nito ang laman ng baso at tumayo marahan syang naglakad palapit sakin hindi ko maaninag ang expression ng mukha nya pero alam kong galit sya. Kailan ba nawala ang galit nya sakin?


"Hindi ako nakikipaglandian"


"Really?"  Napasandig ako sa pinto amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya.


"Hindi naman ako katulad ng iniisip mo" hinablot nya ang braso ko napangiwi ako sa sakit heto na naman sya.

"Siguraduhin mo Lang bettina walang pwedeng gumalaw sayo kundi ako lang akin ka lang!"

Hinalikan nya ako ng madiin bigla naglaglagan ang luha ko. Sinabunutan nya ang buhok dahilan para mapatingala ako sa kanya tumigil sya sa pag halik sa leeg ko.


"I dont want to see you with others Bettina. Akin ka lang bayad ko na ang boung pagkatao mo" napahikbi ako sa sinabe nya pinagpatuloy nito ang ginagawa wala itong pakialam kahit nasasaktan na ako ramdam ko ang galit sa bawat hawak ng kamay nya sa katawan ko. Walang ako magawa kundi umiyak hindi ako nanlaban katulad ng sinabe nya bayad na nya ang boung pagkatao ko.

Nagising ako sa kwarto nya mahimbing parin ang tulog nito kahit anong pasakit ang gawin nya di paren nawawala ang pagmamahal ko sa kanya ganito talaga siguro pag nagmahal ka lahat ng sakit titiisin mo makasama lang sya, hinaplos ko ang mukha nya.



"Ano man ang mangyare lagi parin ako sa tabi mo" bulong ko. Alam kong katangahan na ang ginagawa ko pero sa twing iisipi kong wala sya parang hindi ko kaya.Uti unti kong inalis ang braso nya na nakapulupot sa bewang ko pero naramdaman kong humigpit ang yakap nya saka sinubsub ang mukha sa balikat ko,alas singko na ng umaga kailangan ko ng bumangon

"Don't leave " sabe nya na nanatiling nakapikit ang mata akmang iaalis ko ulit pero humigpit ang pagkakayakap nya napatitig ako sa maamo nyang mukha.

"No,kailangan kita"

"Kailangan din kita" sigaw ng isip ko naramdaman ko ang paghalik nya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang ang sarili ko na nasa tabi nya gusto ko pang maramdaman ang yakap nya hinaplos ko pisngi nya mahimbing na itong natutulog habang mahigpit na nakayakap sa hubad kong katawan, walang sawang pinagmasdan ko ang napakaamo nyang mukha hanggang sa muli akong nakatulog.


Pag gising ko wala na si Jasper sa tabi ko dali dali akong nagbihis at lumabas pero wala na sya wala na rin ang kotse nya sa labas baka pumasok na ito sa trabaho pumunta ako sa kusina may nakita akong kapiranggot  papel sa mesa kasama ng pagkain.

"Kumain kana at mag pahinga"


Napangiti ako kahit simpleng sulat nya diko maiwasan kiligin ngayon nya lang kase ito nagawa kahit masakit ang katawan magana pa rin akong kumain ito ang unang pagkakataon na natikman ko ang luto nya.

Stay With Me Where stories live. Discover now