chapter 3

9.3K 257 2
                                    


Flashback.

"Inang ang sarap po ata nyang iniihaw mo?" Tanong ko kay nanay.Andito kami ngayon sa bukid dinalhan namin ng makakain si itang at dahil sa may nakuha syang isda sa tubig sinali na namin sa pag iihaw.


" Oo naman anak wala kabang bilib sakin?"Niyakap ko sya mula SA likod at sinilip ang iniihaw  nyang isda.

"Syempre naman po bilib na bilib po ako sa inyo! Ikaw po ang pinaka the best na inang sa boung mundo!" Pagmamalaki ko totoo yun,kita ang ebedinsya sa bilugan kong katawan.

"Ay sus nambola pa"Ginulo nya ang buhok ko.

"Hindi po ah!"

"Oh sya sige puntahan mo yung dalawa at nang makakain na"

Pinuntahan ko ang magkapatid na Jasper at Jamaica na nasa tabing ilog.Anak sila ng may ari sa sinasakahan ni itang kahit mayaman sila nakikisalamuha sila sa tulad ko,hindi katulad sa iba naming kabaryo parang allergic sa tulad kong mahirap.

Pinagmasdan ko silang kapatid habang nag uusap sa may itaas ng batong malapad na tinatalunan namin sa tuwing maliligo ng ilog.Napangiti ako ng may maisip na kalokohan,saktong sakto at nakatalikod silang pareho sa kinaroroonan ko.
Unti unti akong lumapit sa kanila halos walang ingay ang pagtapak ko sa damo.

"Talaga kuya gusto mo sya?" Napatigil ako ng magsalita si Jamaica.Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Yes" sagot ni jasper.

"Ayyiiee ano naman ang nagustuhan mo sa kanya kuya?" Interesadong tanong ng kapatid neto.

Lalong nagsalubong ang kilay ko may gusto palang babae si jasper.Sino kaya yun?tyak na maganda yun mahilig kaseng lalaking to sa maganda dahil pogi ehh.

"Whaaaaaa!" Sigaw ko mula sa likod nila.

"Aaaaaaaaah!" Sigaw nila napatayo sila sa sobrang gulat humarap sila sakin,tawa ako ng tawa.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon