chapter 4

8.4K 222 0
                                    



Nalibang ako sa pagtingin ng mga litrato ni Jasper,napahinto ako sa litratong kuha kasama ang kapatid nyang si Jamaica, ngumiti ako ng mapait.Ang Ganda ng lahi nila pareho pa silang may magandang mukha mahal na mahal pa nila ang isat isa na kung hindi dahil sa kagagawan ko buhay pa sana si Jamaica at pareho na silang may magandang buhay ngayon.
Narinig ko ang pagkatok sa pinto,dali dali kong niligpit ang album bago nagtungo sa pinto.

Pinagbuksan ko ng pinto si Jasper nawala ang ngiti ko ng makita kong may kasama syang babae tuloy tuloy lang sila sa pagpasok,parang hindi ako nakita sa harap nila.

"Honey I'm excited na!"

Malanding sabi ng babae sinundan ko sila ng tingin parang sinaksak ang puso ko ng makita kong halikan sya ng babae,umiwas ako ng tingin parang hiniwa ang dibdib ko sa sakit.

Girlfriend nya kaya yun?

Umakyat sila ng  hagdan at pumasok sa guest room ang dalawa.Napaupo ako sa sofa rinig na rinig ko ang tawa ng babae mula sa guest room.Pinigilan ko ang umiyak at hindi dapat ako umiyak ehh ano naman ngayon kung may girlfriend na sya?dapat lang na maging masaya ako para sa kanya,pero hindi ko magawa parang ang sakit.Sakit na may iba syang kasamang babae.

Nanatili akong nakatayo sa pintuan dinig na dinig ko ang tawanan nila.Hindi ko magawang humakbang at pumasok na rin sa sariling silid.Ngayon ko lang sya nakitang nagdala ng babae dito.

Wala lang ba sa kanya yung nangyare sa amin?

O baka pampalipas lang ako? Nasaktan ako sa naisip ko siguro nga ay pampalipas lang ako wala naman talaga kasi akong halaga sa kanya.Napalunok ako ng maramdam ko ang pagtutubig ng mata ko.Mahal ko si Jasper kahit sinasaktan nya ako katangahan pero mananatili ako sa tabi nya kahit masakit.






__

"Hi! "Napalingon ako sa bumati.Isang lalaking nakangiti ang nalingunan ko at may hawak  na hose.

"H-hello?"sagot ko,nasa labas ako at nagdidilig ng halaman.

"Mahilig kaba sa halaman? "Tanong ng lalaki may nakahanda itong magandang ngiti sa anumang isasagot ko.

"H-hindi naman masyado"tuluyan itong humarap sakin ngayon ko lang ito nakita.

"Ako nga pala si Carlo don lang sa unahan ang bahay ko"  napatingin ako sa hose na hawak nya imposibleng umabot ang hose na gamit nya dito sa tapat ng bahay.Natawa sya at tila nabasa nya ang iniisip ko.

"Dyan lang to sa kabilang bahay ang hose" tumango ako nilahad nya ang kamay nya.

"Im Carlo"pagpapakilala nya ulit, ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya.

"Bettina" agad akong hinila ang kamay ko ng pisilin nya yun.



"Nice to meet you bettina" pinagpatuloy ko ang pagdidilig ng magsalita sya.

"Matagal kana bang nakatira dito?"

"Opo" sagot ko natawa naman sya.

"Wag mo na akong i po mukhang di naman nagkakalayo ang edad natin" ngumiti ako ng pilit.

"Pasensya na" bigla akong nailang ng titigan nya ako.

"Pasensya kana din sakin,bagong lipat lang kase ako wala akong masyadong kilala dito maliban sa kapitbahay nyo"

"Ok lang yan pag nagtagal ka dito may mas makikilala kapa"

"Teka kuya mo ba yun?" Sinundan ko ang tinitingnan nya.Nakita ko si jasper  na nakatayo sa labas ng pinto habang nakatingin samin unatake ang kaba sa dibdib ko ng makita ito masama ang tingin nito sa amin.

Stay With Me Where stories live. Discover now