chapter 1

23.9K 348 11
                                    

Editing is ongoing.First story so medyo magulo at maiikli kada chapter may babaguhin at may madadagdag akong mga eksena.

"Ayusin mo ang trabaho mo!" Mabilis kong pinulot ang mga nagkalat na prutas.Nabigla kase ako sa pagdating nya kaya aksidente kong nasiko ang mga nabili ko mula sa palengke.

"Ambagal bagal mo na nga ang tanga mo pa!"Sigaw nya napapikit ako.Tumingin ako sa kanya nanliliksik ang mata nya sa galit.
Sanay na akong makita ang mga mata nya na ganun kagalit pag tumingin sakin.

"Pasensya na" sinamaan nya ako ng tingin at mabilis na umalis ng kusina padabog nyang sinara ang pinto sa sala.

Inayos ko ang mga nagkalat.Gusto kong umiyak sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko akalaing nagbago na sya ng tuluyan hindi na sya ang lalaking simula pagkabata ay kasama ko na ang mabait at matulingin na si jasper noun ngayon ay halimaw na.

Umupo ako sa swing na nasa  likod ng bahay napabuntung hininga ako.Lagi nalang bumabalik sakin ang nakaraan ang kapabayaan at katangahan ko noon,kung hindi ako nagpabaya noon ganito kaya ang magiging sitwasyon ko?

Gusto kong ibalik ang nakaraan,gusto kong ibalik ang kung ano sya noon pero lahat ng gusto ko hanggang sa alaala nalang.

Flashback.

"Ang ganda nyan Jasper!" Nakangiti Kong sabi habang nasa likod nya at tinitingnan sya habang nag papaint ,nilingon nya ako at ngumiti

"Talaga ?"

"Oo naman galing galing mo kaya!"

"Ibibigay ko to sayo" nagulat naman ako Hindi kase nya basta basta binibigay ang mga gawa nya iniipon nya yun at balang araw daw ididisplay nya yun sa mga musuem,nang matapos nyang kulayan ay humarap sya sakin.

"Baka nagbibiro ka Lang " inabot nya sakin ang katatapos pa Lang na gawa nya abot tenga ang ngiti nya.

"Ibibigay ko to pero may kondisyon" napaisip ako ano naman kaya kondisyon nya.

"Ano yun?"

"Wag na wag mo itong itatapon o iwawala dahil ito ang simbolo ng pagkakaibigan natin ok?"
Lumapad ang ngiti ko yun lang naman pala ehh,pero kahit hindi nya sabihin yun gagawin ko.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon