chapter 27

6.7K 169 1
                                    


"Bettina nasusunog na ang niluluto mo! " naramdaman ko ang pagtulak sakin ni sharmaine.

"Ha? " pinatay nya ang apoy ,humarap sya sakin.

"Ano bang nangyayare sayo, may problema ba?" Umiwas ako bg tingin at umupo.

"Wala pagod lang to" umupo sya paharap sakin.

"Merun bettina simula nang manggaling tayo kina Bryan nagka ganyan kana" naalala ko si Jasper hanggang ngayon nasasaktan paren ako bigla parang gusto kong umiyak! Tatlong linggo na mula nang mangyare yun.

"Wag mo nalang akong pansinin" hinawakan nya ang kamay ko, tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry" sambit nya di ako sumagot.

"I'm sorry kase dahil sakin lumayo sya " nakatingin lang ako sa kanya nakita kong naiiyak na sya.

"Sorry kase nagsinungaling ako sayo" tuluyan na syang umiyak.

"Alam ko" napatingin sya sakin halatang nagulat.

"Naghintay ako na magsabe kayo ng totoo pero hindi eh" pinunasan ko ang luha ko. Masakit na sarili konh bestfriend ay kaya akong paglihiman.

"I'm so sorry bettina! " lumuhod sya sa harap ko.

"Sharmaine tumayo ka nga di mo naman kailangan gawin yan! " pinilit ko syang tumayo pero ayaw nya, lumuhod na din ako sa harap nya hinawakan ko ang mukha nya na basang basa ng luha.

"Patawarin mo ko bettina "

"Tama naiintindihan kita kunh bakit mo yun ginawa, dahil sa ayaw mo lang akong masaktan diba? " tumango sya. Niyakap ko sya ng mahigpit masakit ang ginawa nya pero alam kong iniisip nya yun para sa kapakanan ko.


"San ba tayo pupunta? " tanong kay carlo habang nakasakay kami sa kotse nya kanina pa kase kami nasa byahe, bigla nalang syang kaninang sumulpot sa apartment at pinasakay sa kotse nya.

"We're here! " agad syang bumaba, umikot sya sa kabilang pinto para pagbukasan ako. Pagkababa ko nilibot ko ang tingin nasa isang resort kami.

"Tara " inalalayan nya ako papunta sa dalampasigan, marami ang tao karamihan sa kanila naglalakad at namumulot ng shells. Hanggang sa napadpad kami sa isang cottage.

"Ano ba to Carlo? " ngumiti lang sya makulay ang cottage na parang pinaghandaan talaga marami din ang pagkain na nakahain.

"Maupo kana" hinila nya ang isang upuan pagkatapos umupo din sya sa kabila.

"Kumain muna tayo" sinunod ko ang gusto nya. Nangangalahati na kami sa pagkain nang magsalita sya.

"Bettina " tumingin ako sa kanya.

"Alam kong mahirap ang mga pinagdaanan mo at saksi ako don, masakit sakin na nakikita kang nasasaktan " lumapit sya sakin at lumuhod sa harap ko hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Ayoko ng nakikitang nasasaktan ka bettina,dahil mahal na mahal kita please be my girl" nabigla ako sa sinabe nya hindi ako makasagot. Nakatingin sya sakin kita sa mata nya ang pagsusumamo, mabait sya at nagpapasalamat na andyan sya palage. Ayoko syang saktan pero kailangan ko tong gawin.

"I'm sorry Carlo" napayuko sya unti unti kong binawi ang kamay ko na hawak nya.

"Ayokong dayain ang sarili ko at lalong ayokong saktan ka mabait ka Carlo kahit sino mapapamahal sayo.., pero I'm sorry kaibigan lang ang tingin ko sayo " nanatili syang nakayuko pasimple nyang pinahid ang pisngi nya, naguilty ako nasaktan ko sya.

"Mahal mo pa sya? "

"Kahit ganun ang ginawa nya nangingibabaw paren ang pagmamahal ko sa kanya " di sya sumagot. Tumayo sya kitang kita sa mukha nya ang matinding lungkot.

"I'm so sorry "

"Ssshh wala kang kasalanan "

"Pero nasaktan kita"

"Lahat ng nagmamahal bettina nasasaktan" pilit ang ngiti nya.

"Sa huling pagkakataon gusto sana kitang maisayaw" nilahad nya ang kamay nya nakangiti sya pero alam ko, alam kong nasasaktan sya.

"Please? " tinanggap ko ang kamay nya tumayo ako at kumapit sa braso nya humawak naman sya sa bewang ko.

"Sana magkaayos na kayo" ngumiti ako ng pilit dahil alam kong imposible ang sinabe nya.

"Salamat carlo".





Thanks sa mga nagbabasa. :)









Stay With Me Where stories live. Discover now