chapter 26

6.8K 170 5
                                    

Simple pero makikita ang ganda ng bahay ni Bryan. Oo pumunta kami ni sharmaine nong una ayaw nya pero pinilit ko talaga.

"Mabuti at nakapunta kayo" si Bryan na sinalubong kame sa gate karga ang isang batang babae, nakaramdam ako ng pangungulila sa baby ko.

"Mapilit si bettina ehh, sensya na wala kaming regalo " si sharmaine ang sumagot nakatitig lang ako sa bata.

"Ok lang yun ang importante pumunta kayo, tara sa loob" hindi ako gumalaw,siguro kung hindi nawala ang baby ko malaki na sana sya sa tyan ko.

"Bettina" niyugyug ako ni sharmaine.

"Bakit? " pero diko sya nilingon nakatitig lang ako sa bata.

"Pwede ko ba syang mayakap? " tanong ko Kay Bryan.

"Sure! Baby gusto ka daw yakapin ni tita bettina" ngumiti ang bata.

"Sure daddy! " binuka nya ang braso nya, agad ko syang niyakap ang sarap sa pakiramdam, kung nabubuhay lang sana ang anak ko.
Pumasok kami sa loob, luminga linga ako inaasahan kong makikita sya sa paligid pero wala Hindi siguro sya pumunta.



"Labas muna ako saglit! " paalam ko sa kanila na kasalukuyang nag iinuman.

"Sige"

(Now playing. Stay: carol banawa)

Wala masyadong bisita si Bryan kaya halos kanina ko pa nakikita. Naglakad lakad muna ako hanggang sa napadpad ako sa isang fountain, ang ganda! meron pala sila nito. Napansin kong may taong nakaupo habang may hawak na alak, kinabahan ako may benda parin ang kaliwa nyang braso tulala sya, hindi nya napansin ang paglapit ko.

"Jasper " nagulat sya at napatayo, lumapit ako.

"Anong kailangan mo? " malamig nyang tanong, napatingin ako sa braso nyang may benda.

"Anong nangyare sa braso mo? " umiwas sya ng tingin.

"Wala kang pake umalis kana nga! " taboy nya di ako nakinig, miss na miss ko na sya Kaya diko napigilan ang sarili ko niyakap ko sya.

"Jasper!"sambit ko. Inalis nya ang braso ko na nakayakap sa bewang nya.

"Pwede ba bettina lumayo ka nga! " asik nya tinulak nya ako.

"Pe-pero"

"Pwede ba umalis kana! "

"Ayoko! "Nakatitig sya sakin nang bigla syang umiwas.

"Malaya kana hindi na kita hawak at lalong hindi na kita kailangan" nasaktan ako sa sinabe nya.

"Hindi ayoko! Gusto kong manatili sayo" tumulo na ang luha ko.

"Kahit saktan mo pa ako ng paulit ulit gusto kong manatili sayo!dahil mahal na mahal kita jasper " natigilan sya pinahid ko ang luha ko.

"Alam kong hindi mo ako kayang mahalin pero sana hayaan mo kong manatili sayo , titiisin ko nalang ang sakit basta kasama ka lang" tanga na kung tanga pero mahal na mahal ko talaga sya. Hinapit nya ang bewang ko gamit ang isa nyang kamay, niyakao ko sya mahigpit saka napahagulgul.

"Sorry" sambit nya.

"Sorry kung nasaktan kita ng paulit ulit, sorry dahil sakin nawala ang baby natin " alam nya? Alam nya ang tungkol sa anak namin! .kumalas sya sa pagkakayakap sakin umiiyak sya!.

"I'm so sorry bettina kasalanan ko ang lahat" umiling ako.

"Hindi Jasper! Hindi lang siguro sya para sa atin"

"I'm sorry alam kong masasaktan uli kita pero kailangan mo na akong kalimutan" parang sinaksak ang puso ko sa sinabe nya.

"Ayoko! "Hinawakan nya ang mukha ko at pinahid ang luha ko.

"Hindi ako ang dapat mong mahalin bettina, dahil hindi ko deserve ang pagmamahal mo" hinawakan ko ang kamay nya.

"Hindi ko kaya! Hindi Jasper! " pinagdikit nya ang noo namin pareho kaming umiiyak.

"Ibaling mo ang pagtingin mo sa iba alam kong may mas higit na magmamahal sayo " masakit sobrang sakit bakit kailangan nya akong ganituhin? Bakit kailangan nyang ibigay ko sa iba ang pagmamahal na sa kanya lang dapat!.

"Si Carlo sya ang dapat mong mahalin dahil deserve nya yun, wag ako dahil nasasaktan lang kita" inalis nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya hinagkan nya ang noo ko, saka tuluyang tumalikod. Sa ganito nalang ba matatapos ang lahat?.

" Jasper!" Sigaw ko tumigil sya tumakbo ako at niyakap sya patalikod.

"Please wag mo akong iwan! Diko kaya, mahal na mahal kita! " di sya sumagot,naramdaman kong unti unti nyang inalis ang braso ko na nakayakap, nagpatuloy sya sa paglalakad. Napaupo ako sa damo iyak ng iyak, hindi ba talaga kami pwede?









Thanks sa mga nagbabasa :)










Stay With Me Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin